Chapter 16 - "He likes me? He likes me not."

33.9K 566 43
                                    

Yuri's POV

"Pero mahal kita"

"A-anong sabe mo?", anong sinabe niya???? HINDI KO NARINIG!!!

"HINDI MO NARINIG?"

"Hindi e. Ano ulet yun Chaaaaaad???"

"Wala! Hindi ko na uulitin."

"Waaaahhh! Chad ano na kasi yun!", parang bata na tuloy akong nagtatantrums dito.

"Sabe ko,--- wala, matutulog na ko. Matulog ka na din, maaga flight bukas.",  sabay tayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"HUH? Pero Chad d----" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil umakyat na siya sa hagdan. Ganon talaga? Pagkatapos niya kong lait laitin at yurakan ang pagkatao ko, biglang tutulugan lang ako. BA YAN! Narinig niyo ba yung sinabi niya? Ano nga ulit yun???

Haaaay, makaakyat na nga lang sa kwarto. Kailangan ko nang mag ayos ng gamit dahil bukas na ang flight namin pabalik sa Manila. Ang bilis naman, pag talaga kasama mo yung taong mahal mo, sobrang bilis ng oras noh? Kasi naman eh, puro tulog pa ginawa ko. Pero atleast, sa last night ng pagstay namin dito, nag enjoy naman ako, at mukhang nag enjoy din naman si Chad na kasama ko, di ba? Pero ano ba kasi yung sinbi niya kanina? Nakakainis naman, parang sobrang seryoso pa ng pagkakasabi niya. Tsssss.

***************************

*knock knock

"Let's go.", narinig ko na sabi ni Chad sa may pinto ng kwarto ko habang nag aayos ako sa harap ng salamin. Two hours from now ang flight namin.

"Okay! Anjan na Chad!", dali dali kong kinuha yung maleta ko para makaalis na kami. Paglabas ko ng pinto, nakita ko siyang nakasandal sa pinto ng kwarto niya na nasa tapat lang din ng kwarto ko. Nakapamulsa lang siya, nakasuot ng checkered na shorts, yung hanggang ibabaw ng tuhod, tsaka dark blue na polo shirt, pati yung favorite niya na gray na beanie.

Naiimagine niyo ba yung istura niya? NAPAKAGWAPO! Shetness! Tapos amoy na amoy ko pa yung cologne niya! Samantalang ako, baby bench cologne lang gamit ko. Pero okay lang yan, keri namang dalin ng dyosa ang kahit ano. Hoho!

"Ehem. Wala ka bang balak umalis?", ay sexyng palaka! Natulala nanaman pala ko.

"Ay, sorry Chad, ang cute mo kasi eh. Haha!", hinila ko na yung maleta kong saksakan ng bigat kahit hindi ko naman nagamet lahat ng dinala ko.

"Ako na.", bigla nalang kinuha ni Chad yung maleta ko tapos dere deretsong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. Ako naman, naiwan nanamang nakanganga. ANG BIGAT KAYA NUN! Tapos binuhat lang niya ng ganun kadali!

"YUKI!", narinig kong tawag niya mula sa labas ng bahay.

"AY! Teka lang Chad, anjan na!", sagot ko na pasigaw din sabay takbo ko papunta sa kanya.

Nung makalabas ng ko ng bahay, nakita ko namang may taxi na naghihintay. Nilagay na ulit ni Chad yung maleta ko sa compartment. Tapos, binuksan niya yung pinto at sumenyas na sumakay na ko. Ang gentleman grabe! Hihihihi :) Kaya ayun, sumakay na ako. And guess what, sa backseat din siya umupo! TINABIHAN NIYA KO! Waaaaaaah! Nagpapalpitate nanaman ang sexyng puso ko dahil sa sobrang kilig!

**************************** 

"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding annoucement for flight 89B to Manila. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon