Chapter 24 - "Without Him"

30.9K 514 9
                                    

Yuri's POV

"Kamusta na siya?"

"Ligtas na siya sabe ng doktor."

"Ako na magbabantay sa kanya."

"Hindi na Lester, kaya ko pa naman."

"Pero di ba, may sakit din ang anak mo Jasmine?"

-----------------------------------------------------------------------------

"Nasan ba siya?"

"Hindi pa nga nagpupunta dito e. Kahit si Maki, hindi ko nakikita."

--------------------------------------------------------------------------------


Unti-unti ko naidilat ang mga mata ko. Maliwanag ang paligid kaya mejo nasilaw pa ko. Nang luminaw ang paningin ko, nakita ko si Jazz na nag aayos ng mga prutas sa lamesa. Napansin ko rin si Eyd na nasa sofa at natutulog. Ang bigat ng pakiramdam ko lalo sa gawi ng kanang balikat ko.

"J-jazz...", paos pa ang boses ko. Napalingon naman si Jazz sa akin.

"Yuri! Salamat naman at nagising ka na. Nag-alala ako ng sobra sayo.", nagmadali siyang lumapit sa akin tsaka ako niyakap ng dahan-dahan.

"Aray!", napasigaw ako nang tamaan ni Jazz ang kanang balikat ko.

"Sorry bestfriend! Nagugutom ka ba? Ano gusto mong kainin?", tanong niya.

"A-no bang nangyari?", naguguluhan kasi ako.

"Apat na araw ka nang nandito at ngayon ka lang nagising. Sabi ng doctor, tinamaan ka daw ng ligaw na bala jan sa balikat mo.", mahabang paliwanag niya. Ngayon ko lang napansin na may cast pala ako sa balikat.

Teka, ligaw na bala? Pinilit kong alalahanin kung ano ang nangyari sa aken. Natanggal ako sa Makoy's. Tapos, mmmmmmm. Ayun! Nakapasok ako agad sa Queenie's Pub. Tapos.....No! Mali sila! Hindi ako tinamaan ng ligaw na bala! Nabaril talaga ako!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon