Chapter 37 - "Jasmine on Duty"

27.1K 416 41
                                    

Jasmine's POV

Kanina pa kami ni Eyd dito sa sala. Hinihintay naming lumabas manlang si bestfriend o kaya tumawag kaso wala talaga. Haaaayyy. Apat na oras na yata mula nung kumatok ako para magdala ng tray ng lunch niya kaso nilock niya yung pinto kaya iniwan ko nalang sa labas ng pinto niya yung tray.

"Nak pasingit naman sa TV oh! Now showing na yung 'Kimmy Dora sa cinemaone. Nakita ko schedule sa internet.", biglang singit ni Mudra habang karga pa niya si Ethan.

"Mudra, WALA TAYONG CABLE. Tsaka nanonood pa kami ni Eyd oh! Malapit na mabuking si Misaki! Buti nalang nasagip siya ni Usui! Alagaan mo nalang muna si Ethan."

Oo, nandito kami ni Eyd at nanonood ng Maid Sama habang kumakaen ng popcorn. Pampawala lang ng kaba at stress sa nangyayari. Ang lakas talaga makarelax ng anime! Ayoko naman kasi munang magfacebook dahil ayokong makita ang viral video ni bestfriend dahil sa tuwing maaalala ko yun, kumukulo ang dugo ko!

"Si Ethan! Si Ethan! Puro na lang si Ethan! Si Ethan na walang malay!", juskoday! Eto nanaman kami.

Napa face palm nalang ako dahil sinumpong nanaman tong mudra ko! Si Eyd naman nandito lang sa tabi ko at nagpipigil ng tawa. Kung makikita mo lang reaksyon ng mudra ko, ang epic jusko! Maluha luha pa!

"Mudra magpahinga ka na muna sa taas at mukhang matindi pangangailangan mo. Akin na muna si Ethan.", tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa para kunin si Ethan na karga pa ni mudra.

"I was never your partner. I’m just your mother… kaya di mo ako nirirespeto.”, at tumulo na nga po ang luha niya. MYGAD!

"Mudra naman! Juskoday! Tara na nga at sasamahan na kita sa taas. *sabay lingon kay Eyd* Eyd! Pakikandong na muna tong si Ethan, iaakyat ko lang tong nanay ko.", inabot ko si Ethan kay Eyd tapos nag-make face pa ko bago muling humarap kay Mudra.

"Simple lang naman ang hinihingi ko. Kung hindi mo ako marespeto bilang nanay, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao."

*superfacepalm*

"Pfffffft!", narinig ko pa ang pagpigil ng tawa ni Eyd. Malakas na topak ng nanay ko! Buti nalang di ako nagmana dito. Napapasama pa yata pag aalaga niya kay Ethan, baka lumaking ganito din!

At pagkatapos ng awarding ng FAMAS, sa wakas ay napaakyat ko na rin si Mudra para matulog at makapagpahinga. Hirap talaga magpalaki ng magulang sa mga panohong ganito juskoday!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon