Chapter 18 - "His or His Moves?"

38.9K 538 56
                                    

Maki's POV

"ANO?! PAR! Alam mong hindi pwede!", napatigil ako sa paglalaro ng basket ball dito sa kwarto ko dahil sa narinig ko.

"Alam ko. Alam na alam ko. Pero anong magagawa ko par? Eto na eh, kahit hindi ko gustuhin, dumating na. Tinamaan na ko.", naguguluhan ba kayo? Si Chester yan. Nakakapanibago dahil ang haba ng lines niya ngayon, tinamaan ang gago kay Chua. Bigla ba namang pumasok sa kwarto ko at derederetsong dumapa sa kama ko.

Matagal na kong may suspetsa sa mga kinikilos ni Chester pagdating kay Chua pero binabalewala ko lang. Alam kong umpisa palang, gusto na niya to, pero pinipigilan lang niya dahil sa mangkukulam niyang nanay at sa nangyari sa kuya niya.

Simula nang nagcollege kami, pansin ko nang pinipilit niyang iwasan si Chua, kaya nga di niya to pinapansin at kinakausap, kaso lang yung babaeng yun naman ang lapit nang lapit kay Chester. Haaaay, kawawa naman tong par ko.

"E anong balak mong gawin par?", tanong ko habang nagdidribble ng bola.

"Kaya ko nga sinabi sayo di ba? Dahil hindi ko alam ang gagawin ko.", sabe ko nga wala akong kwenta diba.... -_____-

"Pero malaking gulo ang mangyayari pag tinuloy mo yang nararamdaman mo. Siguradong si Yuri ang malalagot kay tita! Par, ikaw nalang ang anak nun, siguradong mas mahigpit ang paghawak nun sa leeg mo."

"Pero hindi ko kayang makuha siya ng Lester Yuan Jiang na yun!"

Meanwhile...........

Yuri's POV

"TEKA! Pinapasok ba kita ha!!!", HAAAAYYY JUSKO! Sumasakit ang ulo ko sa lalaking gwapo na to! Pagbukas ko ba naman ng gate, biglang binuhat yung maleta ko at derederetsong pumasok sa loob ng bahay, iniwan akong nakatayo sa may gate.

"Yuri, ano bang ingay yan? Natutulog si Ethan.", sabe ni Tita Tessie nung sumilip siya sa may pinto bago pa makapasok si mokong.

"HELLO PO! Ako nga pala po si Lester Yuan Jiang. Kaibigan po ni Yuri!", super energetic na parang batang pakilala ni Lester habang kumakaway pa sa harap ni Tita Tessie.

"Hoy! Hindi tayo magkaibigan! Umuwi ka na nga!", sigaw ko habang papalapit sa kanila.

"AY! Mali pala po ako tita! Hindi po kami magkaibigan, magka-ibigan lang.", HUWAAAAT! At talagang iniinis ako ng mokong na to ha. Teka, tignan lang naten.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon