Chapter 19 - "Let me Court You"

32.9K 502 36
                                    

Yuri's POV

"Fall in love with me.", seryosong sabi ni Lester habang titig na titig pa din sa mga mata ko na parang nang hi-hypnotize. Pakiramdam ko hinihigop ako ng mga mata niya.

Hindi ako agad nakasagot dahil hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, konting maling kilos ko lang, magkakadikit na mga labi namin. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko, sino ba tong lalaking to? Bukod kay Chad, siya lang ang nakapagpalakas ng tibok ng puso ko, dahil ba to sa kaba? O dahil kahit hindi ko maamin sa sarili ko, nakukuha niya masyado ang atensyon ko.

"Gusto kita Kiana. Gustong gusto kita. At gagawin ko lahat para magustuhan mo rin ako.", sabi pa niya pagkatapos ay lumayo na sa akin. Umupo na siya ng maayos sa passenger seat. Ako naman ay parang tumakbo ng limang kilometro sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin nagawang magsalita.

Alam ko sa sarili ko, na hindi ito ang normal na kilos ng isang Yuri Kiana Chua. Malamang kung ibang lalaki to, nakatikim na ng bitchiness at katarayan ko. Pero hindi yun ang nangyare e, para akong isang duwag na babae na first time na humarap sa isang lalaki.

"Sama ako sayo ha! :) ", nagulat ako nang bigla nanamang nagsalita si Lester na parang walang nangyari. Todo ngiti pa siya at nakatingin lang sa akin. Hindi ko namalayan na nginitian ko na rin siya. Shetness! Ano bang nangyayari sa akin?

Pinaandar ko na si Jacob papunta sa Makoy's. Hindi ko pa rin magawang magsalita. Nakakainis! Bakit ako tameme ngayon?

Dale's POV

"Chester naman! Wag naman ako! Nakakatakot na pumunta dun! Masyado akong gwapo, dinudumog ako ng mga girls! Ayan oh! Si Enzo walang ginagawa!", reklamo ko. Bigla nalang kasi niya kaming pinatawag kaya eto kaming tatlo, nasa kwarto niya. Nakakainis naman e, ako paboritong utusan dun! Ang hirap kaya magpigil.

"Ooops! Busy kaya ako!", sagot naman ni Enzo.

"Leche! Busy? E nagsosort ka lang naman ng kulay ng M&Ms!", pano kasi, inatake nanaman ng kaabnormalan!

"Maki, gusto mo ba nitong kulay yellow? Di kasi ako kumakain ng color yellow e.", ANO BA PAGKAKAIBA NG YELLOW NA M&M SA RED, BLUE o GREEN???

"Bigay mo nalang kay Chester. Diet ako e, baka mawala abs ko.", sagot naman ni Maki habang naglalaro ng billards dito sa kwarto ni Chester.

"PANSININ NIYO KAYA AKO!", hay nako. Nababawasan ang awesomeness ko pag tong tatlong to ang kasama ko.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon