Chapter 28 - "He's Definitely my Boyfriend"

34.9K 484 22
                                    

Yuri's POV

"Look Jill, sila na ba?"

"Shocks! Hindi to pwede Dindin!"

"Grabe Lily, hindi ko inaasahan na sa ganyang klase lang ng babae mapupunta si Chester!"

"Baka napikot? Gayuma kaya?"

Tsssss. Pigilan niyo ko please! Malapet nang maactivate ang bitchy mode ko! Ilan lang naman yan sa mga naririnig kong bulungan ngayon habang kumakaen kami sa canteen.

"Here, Yuki, tikman mo to. Favorite ko to bukod sa tanoli na luto mo.", nabalik ako sa wisyo nang biglang subuan nanaman ako ni Chad na todo ngiti pa din.

Parang hindi niya naririnig ang bulungan sa paligid namin. Sinuklian ko naman siya ng ngiting saksakan ng tamis pagkatapos ay sinubo ko na yung pagkaen na nasa kutsara niya. Hindi ko na muna papansinin yung mga inggitera sa paligid ko. Mainggit sila to death! Hahaha! Basta ako, walang kapantay ang kasiyahan ko :D

Ibang Chad ang nakikita ko ngayon. Masyadong sweet, masayahin at laging nakangiti. Siguro ito yung Chad na sinasabi nila bago pa mamatay yung Kuya niya. Kaya naman tuwang tuwa ako dahil sabi nila Maki, mukhang ako nga daw ang nakapagpabalik ng dating Chad na kilala nila. Say niyo naman sa kagandahan ko diba? Muwahaha! :)

"Yuki, pagluto mo naman ulit ako pleeease!", parang batang sabi pa niya habang ngumunguya pa ko.

"Takte dude! Mas masahol ka pa ngayon sa pagiging abnormal ni Enzo ah.", pang-aasar ni Dale.

"Sinong abnormal!", biglang sigaw naman ni Enzo.

"Ikaw! Sino pa ba?", - Dale

"Ops! Ops! Dito pa mag-aaway e! Mamaya niyo na ituloy yan, nauudlot ang cheesyness nung dalawa oh!", awat naman ni Maki na natatawa pa.

"Pagluto mo na kasi ako Yukiiiii.", nakanguso nanamang sabi ni Chad na parang walang pakealam dun sa tatlong itlog na kabarkada niya.

"Alam mo namang hindi ko kayang tumanggi sayo Chad ko.", todo ngiting sagot ko nang biglang......

*SPLASH!

"WHAT ARE YOU DOING DEMI!", narinig ko nalang na sigaw ni Chad habang nakayuko ako at basang basa ng malamig na tubig. Mabilis na hinubad ni Chad ang polo shirt niya tsaka ibinalabal saken. Tanging white tshirt na panloob nalang ang suot niya ngayon.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon