Chapter 34 - "The Wedding"

28.5K 533 22
                                    

Dale's POV

Pakshet lang talaga! Hindi na namin kontrolado ang mga nangyayari. Ayokong isipin na dahil wala si Chester ay hindi na namin kayang iresolba ang lahat. Pakshet! Ang hirap kalabanin ang mangkukulam na yun!

"Tuloy po kayo Sir Maki, Sir Enzo at Sir Dale. Pababa na po si Madame.", sabi ng isang maid sa amin nang marating namin ang mansyon. Pinaupo niya kami sa mahabang sofa sa gitna ng malaking office nung mangkukulam na yun. Umalis rin agad ang maid kaya naiwan kaming tatlo dito.

Oo, nandito na kami sa mansyon dahil pinasundo niya kami kanina sa airport. Muntik na ngang maubos ang pasensya ko kaya muntik na akong manlaban kanina. Pero sinenyasan ako ni Maki na huwag ko daw ituloy ang binabalak kong paglaban. Kung ano man ang plano niya, hindi ko alam.

"Dude, anong plano mo? Bakit ka pumayag sumama dito? Anim lang naman sila kanina, madaling pabagsakin!", pabulong na tanong ko kay Maki.

"Ito na ang pinakamadaling paraan para mapasok natin ang mansyon Dale.", sagot naman niya. Nakita ko namang tatango tango si Enzo. Kahit kelan talaga tong abnoy na to! Balimbing amputek! Kanina kampi saken, ngayon umaayon naman kay Maki. Tsssss.

"Pero hindi naten alam pwede nilang gawin saten dito.", sabi ko.

"Sandy, iresched mo ang flight ko. Aalis ako bukas ng umaga, may kailangan lang akong asikasuhin ngayon.", nagkatinginan kaming tatlo nang marinig namin ang boses ng mama ni Chester na papalapit sa amin. Hindi narin nagawang sumagot ni Maki.

"Tawagan na rin ang designer, itanong mo kung anong oras idedeliver ang wedding gown ni Madeline."

WEDDING GOWN?? DON'T TELL ME?!!

Sabay sabay kaming tumayo para salubungin ang paparating na mangkukulam. Seryosong seryoso ang mukha niya. Pakshet! Nakakakilabot! Hanggang ngayon hindi namin alam kung ano ang pwede niyang gawin.

"Good morning tita.", bati naming tatlo.

"Goodmorning. Sit down.", aba himala! Nag goodmorning ang bruha! Ba yan! Ang bading ng mga lumalabas sa bibig ko! Nakakatense naman kasi dito!

Umupo siya sa swivel chair niya tapos may mga binuklat na papel. Ilang minuto pa siyang nagbasa tapos pinindot ang intercom na nakapatong sa table niya.

"Sandy.", yan lang ang sinabi niya.

Maya maya pa ay may pumasok na sa pinto na tatlong maids na may dalang tigi-tigisang puting kahon. Pinatong nila ang mga ito sa lamesa na nasa harap namin. Bahagya pa kaming nagtaka kung ano ang laman ng mga ito dahil sa ibabaw ng mga kahon ay may mga pangalan naming tatlo.

"You may now leave.", utos ng mangkukulam sa tatlong maids. Nagbow lang ang mga ito tska tuluyang lumabas ng pinto.

"I called you three to pick up these tuxedos of yours. They're made in Milan. Feel free to try it.", bigla akong kinutuban kung para saan ang mga to.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon