Chapter 31 - "The Hunter's Burden"

29.2K 420 12
                                    

Maki's POV

"Shit! Shit! Shit!", nasigaw ko nalang habang nagdadrive.

Kanina ko pa kinocontact ang cellphone ni Chester pero ring lang nang ring, walang sumasagot. Tsss, sigurado akong magkasama silang dalawa ni Yuri kaya walang oras para sa ibang bagay yon, pero wag naman ngayon! Kailangan ko siyang masabihan bago pa makarating si Demi kay witch!

*krrriiiiing... riiiiiiinng... rinnnnggg... The number you have dialed is either unattended or out of coverage ar----.

"Shit! Shit! Shit! Aaaaargh! Pick up the phone Par!"

Inihinto ko ang kotse sa gilid ng kalsada, huminga ako ng malalim tsaka ko hinanap ang pangalan ni Dale sa phonebook ko.

*krrriiiiing... riiiiiiinng... rinnnn----

"Oh baket dude?", sa wakas sinagot nya!

"Babe, mamaya na yan, nabibitin ako e.", narinig kong boses ng babae sa kabilang line. Nambababae nanaman ang loko.

"Wait lang babe, give me a minute.", sagot naman ng kumag sa babae nya. Pa-cute pa ang loko!

"Oy, baket ka nga napatawag?" - Dale

"Magkita tayo.", seryosong sagot ko.

"Dude! Wag naman ngayon, wrong timing ka naman e, ang sexy nito dude! Ganda ng legs, sobrang kini-----"

"DALE!!", pagputol ko sa sinasabe nya.

"Sabe ko nga tatahimik na ko diba, pero pakshet ka pa rin!"

"Si Demi, may masamang plano kela Chester at Yuri! Narinig ko siyang may kausap sa telepono kanina, hindi ko alam kung sino. Pero sa tingin ko, isang maimpluwensyang grupo ang kasabwat niya sa plano."

"E bakit hindi mo sinabe agad! Magkita tayo!", sagot ng kumag. Tsaka ko nalang to papatulan.

"Headquarters. Ngayon na. Tawagan mo na rin si Enzo."

"DUDE! Abnoy yon ngayon, ayokong kausap yon!", yamot nga pala to kay Enzo.

"Tiisin mo! Pipilitin kong tawagan si Chester. Hindi ko macontact e."

"Subukan mo kayang puntahan sa apartment ni Yuri?", napahinto ako bigla.

Kanina ko pa naiiisip na baka nasa apartment nga siya ni Yuri, pero hindi ko magawang puntahan. Hindi pa ako handa. Hindi pa ko handang makita si Jasmine.

"Dude! Si Chester ang pupuntahan mo, hindi yung chicks mo!"

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon