Chapter 11 - "Victory Party"

41.1K 633 33
                                    

Yuri's POV

"Hoy bilisan mo nga! Malelate na tayo! Nasa baba na si Maki!", sigaw ni Jazz habang kumakatok sa kwarto ko.

"Sandali lang anjan na!", sagot ko naman habang pinapantay ang face powder ko habang nakaharap sa salamin.

Friday night ngayon at hindi muna ako papasok sa Makoy's dahil guess what............ VICTORY PARTY lang naman ng school namin dahil kami ang overall champion sa interschool competition. YEY! At syempre part kami ni Chad my loves dun :)))) Sayang yung kikitain ko sa Makoy's, pero mas sayang kung hindi ko makakasama si Chad my loves.

Teka nga muna, bago ko ituloy ang kwento, gusto ko lang malaman niyo na NAWINDANG AKO SA LUKARET KONG BESTFRIEND! Kayo ba hindi nawindang! Paano naman kase, iniwan ko lang sandali sa mall para kumaen kami ni Eyd tapos pag uwi, may boyfriend na tong gagang to. AT SI MAKI PA HA! MEMBER NG Big Four na ibig sabihin ay mayaman, matalino, in short, ALMOST PERFECT! At higit sa lahat, BESTFRIEND NI CHAD MY LOVES! Kinabog ang beauty ko ha.

O siya, tama na nga to. INHALE EXHALE. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Jazz sa may pinto, palabas na ng bahay. Sasabay ako sa kanila dahil inutusan ako ni Jazz. GAWIN DAW BANG ALALAY ANG NAPAKAGANDANG SI AKO! Naaasiwa daw siya pag sila lang ni Maki ang magkasama. Akalain niyo ba naman kasing seryosohin ni Maki ang pagiging boyfriend nitong gagang to. Mamimiss ko tuloy ang baby Jacob ko.

=___________________= AWKWAAAAAAAARRRRDDDD SILENCE HERE!

Nasa backseat lang naman ako at syempre nasa passenger seat si Jazz, si Maki naman ang nagdadrive. WALANG NAGSASALITA! Enebeyen! Hindi bagay ang sexyness and beauty ko sa ganitong sitwasyon noh!

Sa Eastwood lang naman ang destinasyon namin. At dahil nga Friday night ngayon, siguradong punong puno ng mga party people dun. Mga 20 minutes lang naman ang byahe pero pakiramdam ko DALAWANG ORAS dahil sa dalawang kasama ko. AAAAARGH! DI KO NA KAYAAAA!

"HOY KAYONG DALAWA! Ano ba talaga plano niyo ha! Nakakaloka kayo. Ikaw Hasmin! Kelan ka pa natutong tumahimik ha? At ikaw naman Maki, girlfriend mo ba talaga tong bestfriend ko? Hooooo! Jan na nga kayong dalawa!", sabay labas ko ng kotse. Mabuti nalang nandito na kami sa labas ng Eastwood kaya tatawid nalang ako. At isa pa, traffic kaya nakatigil tong sasakyan.

Ano na kayang gagawin nung dalawang yun dun? Ah bahala sila! Pinagpatuloy ko lang ang pagrampa ko, umakyat na din ako sa overpass in my own sexy way. Ang dameng nakatingin saken mapababae man o lalake. Ang ganda ko yata noh! Teka, saan nga ba yung venue dito? Ang alam ko lang malapet sa may city walk eh. Tssssss. Bahala na nga, hahanapin ko nalang.

Wooooooh! As expected, ang dameng party people. Wala manlang ako makita kahit isang schoolmate ko. Enebeyen. Rampa lang ako ng rampa hanggang sa makarating na ko dito sa may Eastwood mall. Wala pa rin ako kakil---------------

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon