Chapter 36 - "Commander's Revenge"

25.6K 393 13
                                    

Jasmine's POV

"Anong ginawa ko sayo hayop ka! HA!", sigaw pa rin ni Yuri habang nakaupo silang dalawa ni Demi sa gitna ng parking lot. Nakapalibot din ang mga estudyanteng tsismosa na gusto kong bigwasan isa isa.

"Bestfriend let's go. Alis na muna tayo.", aya ko kay Yuri dahil awang awa na ko sa bestfriend ko.

Gusto ko na ring makaalis dito dahil habang nakikita ko pagmumuka ng Demi na yun, gusto kong gawing panghasa ng kutsilyo!

"Yuri, tara na. I'll bring you home.", inalalayan ni Eyd si Yuri sa pagtayo. Nakayuko lang ito at nakatingin ng masama kay Demi habang papunta sa kotse.

"Giiiirl oh my God, are you okay? Masakit ba?", biglang narinig ko nalang ang paglapit ng powepuff girls na kamuka naman ni mojojojo kay Demi.

"HOY KAYONG TATLO! SUBUKAN NIYONG ALALAYAN YAN! MAKAKATIKIM KAYO SAKEN! ALES!", sigaw ko. Mga bwiset! Pare pareho silang apat! Mga mukhang hasaan ng taga!

"Iiiiiw! You're so eskandalosa talaga.", sabat nung isa. Bigla namang nanginig ang mga cells ko sa katawan. Gigil na gigil na talaga ko kaya susugurin ko na tong mga to!

"Jazz, tama na yan. Halika na.", bulong ni Eyd.

"Grrrrr. Pasabunot lang kahit isa. Experience lang!", bulong ko din na may halong panggigigil.

"Umalis na tayo dito.", ngayon ko lang namalayan na nakaupo na pala sa passenger seat ni Jacob si Yuri. Si Eyd naman, pasakay na sa driver's seat. So muka na kong timang kung magpapaiwan ako dito. Walang aawat saken. Yun pa naman gusto ko, yung pipigilan ako sa pananabunot, parang pelikula. Chos.

Oo nga pala, mamaya na ko magloloko. Nakalimutan kong naaawa nga pala ko sa bestfriend ko. Haaaayyy. Sumakay na rin ako sa back seat. Tinignan ko sa rear view mirror si Yuri. Tulala lang siya habang tumutulo ang luha. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya, pero kitang kita ko sa mga mata niya ang hinanakit.

"Yuri.", tawag ni Eyd sa kanya habang palabas kami ng parking lot. Hindi naman siya tinignan ni Yuri kaya hinawakan niya ang kamay nito.

"Yuri, I know everything's gonna be fine. At kahit hindi ko alam ang totoong nangyari, alam kong hindi mo ginusto yun. I trust you.", seryosong sabi ni Eyd habang nagdadrive.

Hindi pa rin siya sinagot o tinignan manlang ni Yuri. Blanko parin ang mukha nito pero walang tigil ang pagtulo ng luha. Yung tipo ng iyak na pilit nagpapakatatag.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon