Chapter 27 - "Everything About HIM"

38.1K 567 31
                                    

Dale's POV

Huhuhuhuhuhuhuhuhu... Oo, isang mahabang huhuhuhuhu... Hindi ko matanggap na ang isang ubod ng gwapong katulad ko ay nilalayuan ng mga babae ngayon.

"HAHAHAHAHA---! Sorry dude! H-hindi ko, HAHA! Hindi ko talaga mapigilan e.", pigil na tawang pang-aasar naman ni Maki.

"Uy tignan niyo si Papa Dale oh"

"Bakit may nakasabit sa kanyang ganyan?"

"Ewan ko, pero balita ko si Papa Chester daw ang naglagay niyan."

"Oh? E bakit naman daw?"

"Dahil yata kay Yuri?"

"Ay nako, bitter pa rin ako sa Yuri na yan ha!"

"Sinabi mo pa, ako rin kaya! Pero teka muna, kawawa naman si Papa Dale! Totoo kaya yung nakasulat?"

"Oo nga, naku ganyan pala yan, di ko na siya crush."

"Oo nga sis, nakaka-turn off naman. Sayang, gwapo pa naman."

"Eh basta ako crush ko pa din si Papa Dale", YEY! Sa wakas may isang............... huhuhuhuhu. NERD! Oo, nerd nalang ang natirang admirer ko!

"YURI! Sorry na pleeaaaassseee.. Sabihin mo naman kay Chester na tanggalin na to!", pagmamakaawa ko kay Yuri habang nandito kami sa cafeteria.

May meeting daw kasi ang faculty kaya wala pa rin kaming klase hanggang ngayon. Pati si Chester ay kasama sa meeting kaya hindi namin siya kasama dito. Si Enzong abnoy naman, malay ko kung nasan yun. Pinagpatuloy pa yata pagiging abnoy niya kasama si ateng pigtail na isa pang abnoy.

"Haha! Inuutusan mo ba ko? Gusto mo sumbong kita kay Chad?", naka cross arms pa na sabi niya habang nakaupo katabi ni Maki.

Nakooooo! Kung hindi ka lang saksakan ng ganda! HUHUHUHUHU! Nakakahiya, pinagtitinginan na ko ng mga naggagandahang students dahil sa karatulang sinabit sakin ni Command---- este Chester.

"HUWAG LAPITAN ANG MANYAK NA TO. BEWARE!", narinig ko pang pagbabasa nung grupo ng mga sexyng babae sa likod ko.

O_______________O

WAAAAAAAAHHHH! Ang ingay nila magbasa! Ayan, nalaman niyo tuloy kung ano nakalagay sa karatulang nakasabit saken. HUHUHUHU! At oo, yan lang naman ang parusa ko dahil sa ginawa ko kay Yuri. Hindi ko lang naman matanggap na nakapantalon na siya e! Ano ba masama don?

"Pffffttt.... HAHAHAHAHA! Sorry talaga dude! Hirap pigilan ng tawa ko e.", pigil na tawa nanaman ni Maki.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon