Chapter 12 - "Challenge Accepted"

38.8K 600 25
                                    

Maki's POV

O__________________O

Totoo ba to? Bakit parang ganito din yung pakiramdam ko nung naghalikan sila nung contest? Wala na bang gagawin tong dalawang to kundi gulatin kami sa halikan nila? On going ang party ngayon pero parang huminto ang mundo ng lahat.

Kapit na kapit si Yuri sa balikat ni Chester. Ito namang bestfriend ko, walang reaksyon! Hindi ko tuloy mabasa kung ano naiisip ng lokong to. Gusto rin kaya niya to? O sadyang nagpapaka-wholesome lang siya na parang balewala lang sa kanya ang katulad ni Yuri? To think na bestfriend niya ko, pero hindi ko pa rin mabasa nasa isip niya.

"Ow shit!", sigaw ni Chester pagkatapos siyang halikan ni Yuri dahil bigla nalang tong nawalan ng malay. Buti nalang nasalo niya to kaya ngayon, buhat buhat na niya si Yuri. Grabe talaga gumawa ng eksena tong dalawang to, lageng apektado ang lahat.

"YURI!", oh ow.... Si Adrian yata yung sumigaw.

"HOY KUMAG! LASING KA! WAG KA NA MAKEALAM! Di ako papayag na magdrive ka kasama bestfriend ko!", =________________= boses to ng girlfriend ko. Girlfriend nga ba? Oo nga yata, girlfriend ko nga yata si Go.

Napatingin ulit ako kay Chester na hindi alam kung ano ang gagawin. Umiikot ang tingin niya sa paligid na parang naghahanap ng tulong, kaso itong girlfriend ko na bestfriend ni Yuri, hindi manlang kumikibo. Parang alam ko na gustong mangyare nito.

"Par! Hatid mo na. Ikaw nalang ang hindi lasing samen.", at dahil nga nabasa ko ang gustong mangyare ni Go, tinulungan ko na. Alam ko namang gusto niyang si Chester na mismo ang maghatid kay Yuri dahil hindi naman matatago sa lahat na patay na patay si Yuri kay Chester di ba? Sorry nalang sa bestfriend ko, wala naman na sigurong mas lalala pa sa halikan nila kanina, kaya kahit magsumbong na tong si Demi, wala na kong pakealam.

Napailing nalang si Chester na parang sinasabing wala na nga siyang choice kundi ihatid si Yuri kaya ayun, buhat buhat pa din niya si Yuri habang lumalabas ng bar. Teka, alam ba nito kung san sila nakatira? Mabuti pa siguro kung uuwi na din kami ni Go para masabayan na namen yung dalawa. Mukhang di alam ni Chester kung saan ihahatid si Yuri eh. Nasan ba si Go?

"Jas--- Go---", teka! Ano ba itatawag ko dun!

"Ja-----" shete! nawiwirduhan ako sa sarili ko! Pano ko tatawagin yun!

"Psssst! Uy!", hay salamat! Lumingon!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon