Chapter 26 - "Everything has Changed"

33.8K 499 51
                                    

Maki's POV

"Par! Wala na akong balak itago! Kahit kelan hinding hindi ko na siya ikakahiya.", napatingin nalang ako ng seryoso kay Chester nang sabihin niya to.

Sinabi na niya kasi saken ang nangyare kagabi. As usual, tinawagan ako nang madaling araw. Basta nagring ang phone ko sa madaling araw, alam na alam kong siya na ang tumatawag. 

Oo nga pala, bumalik na kami dito sa Fairmont University. Two months din kaming nawala at nagtago dahil nga sa nangyari. Doon kami sa mansyon nila Chester nag-aral kung saan nag-hire kami ng ilang professors para hindi mahinto ang pag-aaral namin, mahirap na, graduating pa naman kaming apat. Kasama sa kontrata nila ang pagtatago ng sikreto na sa bahay kami nag-aaral.

Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa batibot, (fuck, I hate the word -_-) . Dito kasi ang tambayan namin sa F.U, mejo tago kasi ang lugar na to. Kami lang lagi ang tao dito kaya malaya namin nagagawa ang gusto namin. Walang halong pagpapanggap para sa mata ng ibang students dito.

Sa hindi nakakaalam kung ano ang batibot, (errrrr! Curse you batibot!), ito po yung puno na may lamesa o kaya mga upuan na nakapalibot sa trunk. Gets niyo ba yun? E basta, search niyo nalang sa google yung Batibot Tree.... Errrrr! Bat ba kasi batibot tawag dito! Naalala ko tuloy yung tumugtog sa kotse ko kasama si....... Haaaayyyy.... Teka nga, mabalik ako sa usapan namin ni Chester.

"P-pero par! Nasisiraan ka na ba? Paano pag nalaman ni tita?", sandali pang natahimik si Chester nang itanong ko to.

Wala naman kasi akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao pag nalaman ang tungkol sa relasyon nila ni Yuri e, si Witch lang talaga inaalala ko. Malaking away, gulo, gyera yun pag nagkataon.

"Kung nagawa ni kuya, magagawa ko rin.", yan lang ang sagot niya pero halatang bigla siyang namroblema.

"Oo nga, nagawa nga ng kuya mo, pero ano nang sumunod na nangyari?"

"Wala akong pakealam Maki, hanggang sa hukay, ipaglalaban ko si Yuki.", talaga naman oh! Wala na kong masabe, mahal na mahal talaga niya si Yuri.

"CHESTER! MAKI! ENZO!", napalingon kami sa tumatakbong si Dale. Ano nanaman kaya problema nun at nagsisisigaw ng ganun. Papansin nanaman yun sa mga babae, kahit kelan talaga, grand entrance gusto nun.

AT TEKA! Kasama pala namin tong si Enzo, ngayon ko lang napansin. Hindi nanaman kasi nagsasalita dahil sa pagbibilang ng NERDS! Amputek, talagang binibilang niya laman ng isang box ng ner.......................... WAIT! Sino yung babaeng kasama niya sa pagbibilang! Bakit sinama niya dito sa batibo------ eeerrrr, este, sa tambayan namin?

Teka nga, isa isa lang! Nahihilo na ko sa mga nangyayare sa mga kaibigan ko! Unahin muna natin si Chester, este si Enz---, mali! Si Dale na muna at nakakataranta pagsisigaw neto.

"CHESTER! MAKI! ENZO! Ow, hi babe!", sabay kindat naman dun sa babaeng kasama ni Enzo nang makalapit samen, kahit kelan talaga tong si Dale!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon