Chapter 5 - "Practice? Oh ow..."

49.4K 663 27
                                    

Yuri's POV

"HOY HASMIN! Tara na! Sasabay ka ba saken papasok?", sigaw ko habang bumababa ng hagdan dala ang mga gamit ko at syempre, ang CD na iaabot ko kay Chad my loves. WEEEE! Excited na talaga ko! WOOOO!

"Oo saglit lang! Di pa ko tapos mag-pump ng milk! Dame kong gatas leche!", HAHAHAHA! Oo nga pala, paggising niya kaninang umaga, basang basa yung tshirt niya sa gawing dibdib. Ang laki tuloy ng future niya ngayon. HAHA!

"HAHAHA!! Eh bilisan mo na jan excited na ko iabot to kay Chad my------------ WAAAAHHH! Bakit dito ka sa kitchen nagpupump!", iinom lang sana ako ng tubig tas ito makikita ko?Bastos ang gaga, walang manners.

"Eh san mo gusto, sa kwarto mo? Kitchen to diba? San ba nilalagay ang gatas? Teka nga! Bakit ba dede ko pina-uusapan dito!", sabi niya nang sa wakas ay natapos din ang sinuot na ang blouse niya.

"MAY KWARTO KA KAYA! MAY CR PA! Tsssss. Tara na bilisan mo!", di na tuloy ako nakainom ng tubig. Nakakaumay kasi tong gagang to.

Sabay na kaming pumasok ni Jasmine sa school. Blockmates kami kaya pareho lang ng sched. Si Ethan naman na kamukhang kamukha ng gagong tatay niya ay iniwan sa kanyang lola Tessie. Pagdating sa parking lot ng school, wala akong makitang space para kay Baby Jacob ko kaya, LIKE A SEXY BOSS, pinarada ko nalang basta si Baby Jacob. Hahaha!

"Hi Yuri! O teka, bawal magpark jan ah. Baka maconfiscate car keys mo.", ow, si Louie pala. Classmate ko sa isang subject last sem. Patay na patay saken to eh. Sexy ko kaya.

"Aw, ganun ba Louie? Naku pano yan late na kasi kami eh, okay lang ba kung ikaw na ang magpark for me? Pleeeeeeeaaaasse *sabay pout*"

"E-eh, k-kasi Yuri late na din ak-----eeeergh. O sige na nga.", sabi na eh. HAHAHA!

"YEY! Thanks Louie! You're so sweet. *tsup!", kiniss ko siya sa cheeks sabay abot ng car keys ko sa kanya. Namula naman ang loko. Hahahaha!

"Da best ka talaga sa kagagahan bestfriend! *wink*", sabi ni Jazz habang naglalakad kami papunta na sa room.

"Eeeeew! Don't call me 'bestfriend', you're not even my frien---------------OUCH!", siyempre hindi mawawala ang super famous na pambabatok niya saken.

"Mag-inarte ka pa jan, aalugin ko ng paulit-ulit yang braincells mo kung meron man!"

Classroom.....................

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon