Chapter 21 - "Tanoli 101"

35.3K 582 71
                                    

Yuri's POV

"Okay, class dismissed.", sabi ni sir Gio.

Salamat naman at makakauwi rin! Maghapong napagod ang sexy eardrums ko dahil sa kakadakdak nitong si Lester sa tabi ko. Wala rin akong naintindihan sa pinagsasabe ng prof namen. Juskoday!

Nagmadali akong rumampa palabas ng classroom nang mag isa. Nauna na kasi umuwi si Jazz kaninang tanghali, tumawag kasi si Tita Tessie, may sinat daw si Ethan, kaya ayun, umuwi agad ang gaga. Si Eyd naman, may training sa swimming.  Tapos si Chad, nasa meeting ng student council kaya wala siya sa room kanina.

"Kiana Babes!", ayan nanaman po siya! Hanggang dito ba naman sa hallway hahabulin niya ko? Huminto lang ako sa pagrampa pero hindi ako humarap sa kanya. 

"Pauwi ka na ba?", tanong ni Lester nang maabutan niya ko.

"Muka bang papasok palang ako?", pagtataray ko sabay taas ng sexyng kilay ko.

"Hahahahaha! Wag ka muna umuwi, panoorin mo muna ko.", na-curious naman ako bigla kung saan ko siya papanoorin kaya tumaas ulit ang sexyng kilay ko na parang nagtatanong kung saan ko nga siya papanoorin.

"Magta-try out kasi ako sa soccer :) ", super energetic pa na sabe niya with matching talon talon. Bigla naman akong nagkaron ng interes kung marunong nga ba talaga siya kaya napatingin ako sa relo ko. 3:30 pm palang naman at 7pm pa ang pasok ko sa Makoy's.

"Sigurado ka bang marunong ka?", sabi ko habang nagcocross arms.

"Panoorin mo nalang.", todo smile parin na sagot niya, ang yabang ng dating ha! Tignan lang naten.

"Sige, pero pag hindi ka natanggap, hinding hindi mo na ko kakausapin ha!"

"Oo ba! Pero pag natanggap ako, magde-date tayo! TARA NA!", hindi na ko nakasagot dahil bigla niya kong hinila patakbo.

"W-WAG M-MO NGA AKO HIL-LAHIN!", sigaw ko habang tumatakbo kame. HALER! Kamusta naman ang maladyosa kong kagandahan kung makikita ako ng lahat ng tumatakbo ng wagas!

Dahil sa sigaw ko, napatigil siya sa pagtakbo, pagkatapos ay humarap saken ng todo smile pa rin. Kelan ko kaya makikitang hindi nakangiti to? Owwww, wag nalang pala. Iba nga pala siya magseryoso. Bigla ko tuloy naalala yung ginawa niya sa saken nung isang gabi sa loob ni Jacob. Nung halos matunaw ako sa titig niya habang sobrang magkalapit ang mga mukha namin.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon