Chapter 3 - "First Day - Part One"

60.2K 844 47
                                    

[Dedicated to you dahil TUWANG TUWA ako sa comments mo sa halos lahat ng chapters ng stories ko :))) Sobrang thank you sa paghihintay ng mga UD  :)))]

 Yuri's POV

YEY! Monday naaaa! At ano ba ibig sabihin pag monday? Wala lang, CHOS! Okay, first day na ng first semester for my last year sa college. YEBAH! Information technology ang course ng magandang si ako. Dapat nursing kukunin ko eh, pero butinalang nag-IT ako, dito ko nakilala si Chad my loves eh.

Maaga akong bumangon, malamang excited eh. Magkikita na ulit kami ng labidabs ko. Todo ligo at kuskos ng katawan *in my own sexy way* ang ginawa ko noh! Eh kung mapatid ako tapos masubsob ako kay Chad diba? Dapat mabango! Hahaha!

Nagbihis na ako, sinuot ko yung navy blue na skaters skirt ko, then isang white racerback na may hood, enough para makita yung super tiny rose tattoo ko sa balikat. 7:30am ang start ng class, 20mins ang byahe ko mula dito sa apartment papunta sa F.U. 6:35am nang lumabas ako sa kwarto ko para kumain. Sobrang este MEJO mabagal kasi ako kumain eh.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" napasigaw ako bigla paglabas na paglabas ko ng pinto. THE ZOMBIES ARE COMING!

"WAAAAH! APOCALYPSE, DAWN OF THE DEAD! PLANTS VS ZOMBIES AT WALKING DEAD ------- ARAY!", binatukan ako ng ZOMBIE!

"BAKIT KAILANGAN MO MAGING OA?", ay si HASMINE pala! Ang panget ng itsura, ang laki ng EYE LUGGAGES, tapos buhaghag yung buhok at mukhang zombie kung tumayo at lumakad.

"Bakit ganyan itsura mo HASMIN? Hindi ka ba papasok?", nakaenroll din siya kahit nagka-baby na. And blockmates kami mula 1st year college, sabay ko sila nakilala ni Chad.

"ANO BA! Sabi nang JESMINE ang basa sa pangalan ko! Hindi HASmin! Kulit din ng lelang mo noh!", ang lantod sa pangalan!

"Oh sige na po JEEEESmine, hindi ka ba papasok? Late na ah."

"Mauna na ka na! Sunod nalang ako sa second subject. Yung mabaet kong anak na anak din ng gago na yun, ngumawa magdamag. Hindi ako pinatulog.", halata ngang di to natulog magdamag.

"Oh talaga? Nasan si Ethan? Ivevery good ko lang---- ARAY NANAMAN!", kinurot ako sa sexyng singit ko!

"Gaga ka eh! Bilisan mo, kumaen ka na dun! Nagluto si madir ng tinola. PARANG AWA MO NA! WAG MO BABABUYIN YUNG PAGKAEN!"

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon