Chapter 33 - "The Traitor"

26.1K 417 19
                                    

Maki's POV

"Fvck! Nakaalis na daw yung eroplano papuntang Macau dude!", nanlulumong sabi ni Dale na napaupo nalang dito sa waiting area sa airport.

"Bwisit na traffic yan!", Enzo.

"Anong plano mo Maki?", tanong ni Dale. Saglit akong napaisip, ano pa nga ba ang gagawin namin? Sa lahat ng nakalaban namin sa gang fights, ngayon lang kami nahirapan ng husto. Hindi biro ang kabangga namin ngayon, ang mama ni Chester.

"Sa HQ tayo magplano, mahirap di-----"

*kriiiiiiing.... kriiiiiing*

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla kaming mapatingin sa cellphone ni Dale na nagriring.

"Sino yan?", tanong ko.

"Dude, unknown number.", sagot nya.

Nagtinginan muna kaming tatlo na para bang nag uusap kung dapat bang sagutin ang tawag o hindi. Pero sa huli, napagpasyahan naming ako ang sasagot ng tawag.

Pinindot ko ang answer key sa phone nya pero hindi ako nagsalita. Pinakiramdaman ko kung sino ang nasa kabilang linya, pero sobrang tahimik naman nito. Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng pagsara ng pinto ng kotse sa line.

"S-sir Dale? Sir?", narinig kong sabi ng kausap ko. Pamilyar ang boses nito at ramdam mong kabadong kabado.

"Sir, kung naririnig niyo po ako, si Richard po ito.", bigla akong nabuhayan ng loob sa pagpapakilala niya. Narinig kong parang hinihingal pa siya at parang pabulong lang kung magsalita.

"Tatay Richard? Si Maki po ito, ano pong nangyari?", in-on ko ang loudspeaker ng phone ni Dale para marinig naming tatlo ang sasabihin ni Manong Richard.

"S-sir Maki? Naku salamat naman po at nacontact ko kayo. Makikiusap lang po sana ako, tulungan niyo po si sir Chester.", sabay sabay nanlaki ang mga mata naming tatlo dahil sa narinig.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?", nag aalalang tanong ni Enzo.

"Iniuwi na po siya sa mansyon kaninang umaga. Awang awa po ako sa istura nya. Bugbog sarado at nangangalumata. May mga sugat sa braso na parang bakas ng tali o posas. Puro pasa ang mukha at may mga dugo din ang damit na suot nya. Kaya parang awa niyo na, tulungan niyo po si sir Chester.", mahabang paliwanag ni tatay Richard.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon