Chapter 14 - "Hello Singapore!"

34.9K 537 19
                                    

Yuri's POV

"Oh hello! Sir? H-hello? Arrrghhh!", ayan po siya, ang loves na loves kong si Chad my loves :) Badtrip po siya ngayon, malamang naman di ba? Pero wapakels ako noh! Kahit kanina pa niya sinusubukang tawagan yung "SIR" na sinasabe niya.

Nandito nga pala kami sa airport ngayon. Naghihintay nalang na tawagin yung flight number namin. Hindi siya makaalis sa tabi ko dahil alam na niya ang mangyayare pag ginawa niya yun. HAHAHA! Ang bitch ko noh? Anong bago dun?

"Pssst! Chad my loves! Relax ka l-----"

"PANO AKO MAGRERELAX? MY MOM WILL KILL ME! PAHAMAK KA SA BUHAY KO!", huh? Ano daw? Sariling nanay papatayin yung anak? OA naman to! Pero sa pagkakaalam ko nga mangkukulam nanay neto eh. E uubra ba siya saken? NEVER NOH! Witch lang siya, Bitch ako! OHA! INHALE EXHALE YURI!

"TUMAHIMIK KA PWEDE? NATALO KA KAYA KINUKUHA KO LANG ANG PREMYO KO!", inhale exhale talaga! Aba'y hindi pwedeng ganito kami sa loob ng tatlong araw noh! Pero syempre taray tarayan ko lang yan, di ko kayang magalet sa Chad my loves ko :D

"Hello passengers. This is the pre-boarding announcements for flight 176 to Singapore, the departure gate has been changed to 30B. We should begin boarding at this time. Thank you." AYAAAN NAAAAA! :D Tinatawag na kame! YEY!

"TARA NA CHAD! Bilisan mo!", hinila ko ulit siya sa braso, tas siya naman nakasimangot lang. Pero kahit busangot pa mukha niya, OMG, wala pa rin kasing gwapo!

Pagkasakay na pagkasakay namin sa plane, hinanap ko agad yung number ng seat namen. At ayun, nakita ko na :D WAAAHHHH! ANG DAYA! Bakit si Chad yung nasa tabi ng window? Huhuhu! Pero sige, okay lang. At least tabi pa din kame :D

Habang ang lahat ay busy sa pag aayos ng mga bag o hand carry nila, si Chad my loves ko, deretso upo lang, kasi nga wala siyang dalang kahit anong gamet bukod sa walet na may lamang pera, cards at passport niya. Kinidnapp ko lang to diba? Hahaha! Kinuha lang niya agad yung eye mask sa mini compartment. Wala nga yata tong balak kausapin ako. Pero okay lang! Kasama ko naman siya :D

Ilang sandali pa, nagtake off na yung plane! WAAAAHHH! ANG SARAP TALAGA SA FEELING pag nagtake off na tong plane. Sayang di ko masilip yung window. Pero pwede naman siguro diba? Kahit konti lang :D Tulog naman yata tong katabi ko eh :)

Dahan dahan kong nilapit yung ulo ko sa bintana, kahit ang hirap kasi bawal pang tanggalin yung seatbelt eh. Alam niyo yung pwesto na pilit pinapahaba yung leeg para makita kung ano yung gustong makita? Ganun yung pwesto ko. Pero IBA TO! MAY HALONG KILITI! Hahahaha! Dahil yung tenga ko, malapit sa mukha ni Chad, nararamdaman ko yung hinga niya! Hahahaha! Nakakakiliti!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon