Chapter 40 - "Parting Time"

31.3K 478 29
                                    

Jasmine's POV

Tapos na ang exam at wala yata akong naisagot na tama! Naisip ko kasi lahat ng nangyari kanina, ang pagbabalik sa dati ni bestfriend. Kilala ko si Yuri, talagang palaban siya sa lahat ng problemang dumadating sa kanya, pero ang gara lang kasi e, parang iba yung way ng pagpapakatatag niya ngayon, nakakatakot!

Sa sobrang pag-iisip ko, biglang pumasok sa brain cells ko ang dahilan kung bakit biglang nagkaganyan si bestfriend. Napabuntong hininga nalang ako, parang kailangan ko na talagang ipagamot si mudra!

*flashback (kagabi pagkagaling namin ni Yuri sa school)

Pagdating namin ni bestfriend sa bahay, naabutan kong hinehele ni mudra si Ethan sa sala. Nang makita niya naman kami ay agad niya itong inihiga sa crib.

"Oh, ang aga niyo naman nakauwi, hindi pa ako nakakaluto.", sabi ni mudra. Himala, mukhang matinong kausap to ngayon ah?

"Exam namin mudrabels kaya maaga kami nakauwi.", sagot ko habang tinitignan at hinahaplos ang mukha ng cute na cute na anak kong nagmana sa nanay niya. Chos!

"Ganun ba? Sige magluluto lan------", napatingin siya bigla kay bestfriend na nakaupo na pala sa sofa at nakatulala.

"Yuri, anak, may problema ba?", tanong ni mudra. Mukhang kailangan ko nang kabahan!

"MUDRA MAGLUTO KA NA!"

"Wait lang nak! Si Yuri malungkot e. Dahil ba yun sa video na napanood ko?", SABE NA DAPAT AKO KABAHAN E!

*facepalm* Pinandilatan ko ng bonggang bongga si mudra! Juskoday!

"MUDRAAAAA! Magluto ka nalang pleeeeeaaase", mabait na sabi ko habang magkakadikit lahat ng ngipin ko sa sobrang gigil.

Nasalo ko nalang ang noo ko dahil hindi niya ako pinansin. Umupo pa siya sa tabi ni bestfriend at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"Yuri, anak, kung ano man ang problema mo, kailangan mong lumaban!", itinaas pa niya ang isang kamay habang nakakuyom. Yung parang kamay ng mga nagrarally, alam mo ba yun? Basta yun! Nakatingin lang sa kanya si bestfriend at parang hinihintay kung ano ang susunod na gagawin ni mudra.

"Kung di ka ngayon lalaban, kailan ka pa lalaban? Kung hindi tayo kikilos, sino pa ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?", *facepalm* Anong klaseng alien ba sumanib sa nanay ko? Napatingin saken si Yuri na parang humihingi na ng saklolo.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon