Chapter 41 - "Mr. Adriano"

30.9K 467 28
                                    

Maki's POV

*BOOOOGSH!

"Tama na dude! Awat na!", saway ni Enzo sa akin pero hindi ako natinag.

*BOOOOOGSH!

"Tumigil ka na Maki! Sumosobra ka na ah!", sigaw naman ni Dale.

"MANAHIMIK KA! KUNG GUSTO MONG MAKATULONG, UMUPO KA DUN SA TABE!", sigaw ko habang dinuduro siya kaya napanguso nalang din siya at lumayo sa amin kahit mukhang alalang-alala ang itsura. Sumunod naman si Enzo sa kanya.

"Oy abnoy! Bakit ikaw hindi sinigawan!", narinig ko pang reklamo ni Dale kay Enzo pero di ko na pinansin.

"Ano Chester! Natauhan ka na ba ha!", pagbaling ko kay Chester. Hindi naman siya kumibo, sa halip ay pinunasan lang ang tumulong dugo mula sa ilong niya.

Ayoko ng ginagawa ko. Kahit kelan di ko naisip na kaya kong suntukin nang suntukin ang bestfriend ko. Pero wala e. Galit na galit talaga ako sa mga lalaking nanggagago ng babae!

"T*ng ina par! Anong pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun gago ka ha! Hindi ikaw ang Chester na kilala ko!", gigil na sigaw ko kay Chester na napaupo sa gilid ng pool dahil sa lakas ng mga suntok ko.

"Tumigil ka na.", kalmadong sagot naman niya habang nakaupo pa din.

"Bullsh*t! Ilang araw kitang inintindi, ilang araw akong hindi nakialam sa inyo ni Yuri. Muntik ko pa siyang sisihin dahil sa nakikita kong pagdurusa mo, pero ngayong alam ko na ang kagaguhang ginawa mo, hinding hindi kita kukunsintihin par!", sh*t, sobrang init ng ulo ko ngayon. Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa sobrang init!

Oo, alam na namin ang lahat. Biglang nawala si Chester kanina sa school kaya hinanap namin siya hanggang sa naabutan namin siya dito sa gilid ng pool ng mansyon nila. Naglalasing mag isa habang umiiyak. Alalang alala kami dahil sigurado kaming may nangyari nanamang hindi maganda sa kanila ni Yuri kanina.

Siguro ay lasing na talaga siya kanina o kaya naman ay hindi na kayang sarilinin ang bigat ng nararamdaman kaya nasabi niya sa amin lahat ng katarantaduhang ginawa niya kay Yuri. Noong una ay hindi pa ko makapaniwala dahil alam kong hindi niya kayang gawin yon. Pero nang tumagal ay nag sink in sa akin lahat kaya hindi na ko nakapagtimpi.

"T*ng ina, hindi ka ba naawa ka Yuri ha! Kumalat sa buong social media world na marumi siyang babae kahit alam nating hindi totoo yun! Nawala sa kanya ang lahat par! Ang buong akala ko, ikaw ang unang unang magtitiwala sa kanya, pero anong ginawa mo? Kinuha mo pati ang kaunting natitira sa pagkatao niya!"

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon