Chapter 23 - "He's Mr. Gangster"

32.9K 518 57
                                    

Yuri's POV

"Bestfriend hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang mawala si Ethan saken.", sabi ni Jazz habang iyak ng iyak at kayakap ko.

"Ssssh, tahan na, hindi mawawala si Ethan sayo. Gagawa ako ng paraan.", hinimas himas ko ang likod niya.

Nandito kami sa ospital ngayon dahil nalaman namin na may typhoid fever si Ethan. Akala namin simpleng lagnat lang pero hindi pala. Nagkaron daw ng komplikasyon sa bituka si Ethan kaya sobrang nag aalala kami.

"Pero saan naman tayo kukuha ng sapat na pera pambayad dito sa ospital? Yuri natatakot ako.", sagot ni Jazz.

"Aalis na muna ko, susubukan kong mag delihensya sa Makoy's.", tumango lang si Jazz kaya tuluyan na kong umalis.

Hindi kasi natuloy yung photo shoot ko kanina. Tinawagan ako ni Lester para sabihin na next week na daw yung schedule kaya wala akong pera ngayon. Hindi rin ako nakapasok kanina sa school dahil maghapon kaming nandito sa ospital.

Dali-dali akong nagdrive papunta sa Makoy's kahit 5:30 PM palang. 7 pa kasi ang schedule ng pasok ko doon. Sa totoo lang, binalak ko nang magresign dahil nga ayoko na maulit ang nangyare saken kagabi, at isa pa, gusto ko nang humanap ng matinong trabaho para kay Chad. Pero dahil sa nangyare kay Ethan, hindi ako pwedeng tumigil ngayon lalo na't mahirap humanap ng trabaho agad-agad.

Wala pang customers sa Makoy's pagdating ko dahil maaga pa masyado. Dumeretso agad ako sa office ni Mr. Tuazon na manager ko. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto niya.

"Come in.", dinig kong sigaw niya mula sa loob ng office.

"Mr, Tuazo-----"

"Ikaw pala Yuri, hindi ka ba nasabihan ni Celine?", casual na sabi niya habang nag aayos ng mga papeles sa table niya. Nagtaka naman ako bigla, ano ba ang dapat kong malaman? Ni hindi ko na magawang umupo sa harap ng table niya.

"Huh? Hindi pa po kami nagkakausap eh. Ano po ba yun?", kinakabahang tanong ko. Masama ang kutob ko dito.

"Simula ngayon, hindi ka na magpeperform dito.", seryosong sabi niya habang nag aayos pa rin ng gamit.

"HUH?? Ano pong ibig niyong sabihin?", napatigil naman siya sa ginagawa niya tsaka tumingin saken.

"You are fired Yuri.", sabi niya habang deretso ang tingin sa mga mata ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil pinipilit ko pang intindihin kung ano ang sinabi niya. Tanggal ako? Hindi pwede, kailangan ko pa ng trabaho! Pano na si Ethan?

"Sir, baka naman po pwede pang pag usapan. Importante po saken ang trabaho ko ngayon. Kung dahil po ito sa nangyari kagabi, hindi na po mauulit yu----"

"My decision is final Ms. Chua. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ko gustong mawala ka dito. Isa ka sa top performers ko at dumadami ang customers ko dahil sayo.", mahabang paliwanag ni Mr. Tuazon.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon