Chapter 22 - "Twisted Mind"

33.2K 547 65
                                    

 

 

Yuri's POV

"AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!! WALA AKONG NAKITA! BULAG AKO! BULAG AKO!"

O_______O

Ano ba nangyari? INAY KUPO! Hindi ba ako nanaginip? As in totoo ba talaga yun?

"I'll go ahead.", tumayo na si Chad nang matauhan kami pareho dahil sa sigaw ng epal na bestfriend ko. Feel na feel ko pa naman yung lips ni Chad! Pero teka, aalis na siya? Waaaaaaaaaaaaahhhh!

"Wait! Chad! Pagluluto pa kita di ba?"

"Maybe next time Yuki.", tapos naglakad na ulit siya palayo.

"Oooops! Wag ka nang mahiya! Hindi ko naman nakitang naghahalikan kayo sa kusina namen kaharap ng kawawang manok at sayote! Wala akong nakita kaya maupo ka na jan!", mahabang litanya ni Jazz habang tinutulak si Chad pabalik sa may lamesa. May pakinabang din pala tong gagang to.

Nag-thumbs up pa ko kay Jazz habang hindi nakatingin si Chad. Pero lagot pa rin tong bruhang to saken pag uwi ng Chad ko. Aba'y nabitin ako sa kiss! Huhuhuhuhu! Uulitin ko yung tanong ko, mahal na kaya ako ni Chad? Gusto ko siyang tanungin ngayon pero baka lalo niyang gustuhing umuwi nalang.

Ang awkward ng sitwasyon! Nasa likod ko lang si Chad habang nagluluto ako. Walang nagsasalita saming pareho. Si Jazz kasi umalis dahil papatulugin daw niya muna si Ethan. Si Tita Tessie naman, naiwan daw sa bayan para mamili ng pirated DVDs.

INHALE EXHALE! Yuri mag-concentrate ka para masarap ang luto mo! Pero hindi ko magawang magfocus. Sa tuwing naiisip kong hinalikan ako ni Chad, sobrang kuryente ang nararamdaman ko. Si Chad yun e. Hindi kung sinong lalaki lang. Si Chad na nag iisang mahal ko. Ano na bang meron samin?

"Oy, nagugutom na ko, matagal pa ba ya------ UTANG NA LOOB! BAKIT TINO------MMMMMMM! MMMMM!", bigla ko namang tinakpan yung bibig ni Jazz. Nagulat ako na nasa likod ko na pala siya. Hindi niya pwedeng sabihing tinola ang tawag dito!

"TANOLI! Masarap na masarap na TA-NO-LI!", pinangdilatan ko siya ng mata sabay tanggal ko ng kamay ko sa bibig niya.

"BOBO KA? ANONG TANOLI? TINO------MMMMM! MMM!"m tinakpan ko ulit ang bibig ng gaga! Napakabagal pumick up!

"TA-NO-LI!", pinangdilatan ko ulit siya sabay nguso para ituro si Chad. Buti nalang hindi nakatingin si Chad samen.

"Oo na! Ta-no-li! Tanoli! Tanoli! OY Chester! Masarap magluto ng Ta-no-li tong kaibigan ko! Tanoli.... Tanoli....", paulit ulit niyang sinabi ang tanoli habang naglalakad palabas ng kusina. Baliw talaga.

Nang makaalis si Jazz, bigla nalang nagtama ang tingin namin ni Chad. Sandali pa kaming nagkatitigan. Pakiramdam ko ang pula pula ko dahil ang init ng mukha ko. Maya-maya, nagsmile siya saken kaya tuluyan nang tumalon si sexy heart ko. Grabe! Bawat titig niya, nanlalambot ang tuhod ko, lalo pa kung ngumingiti siya. Ano pa kaya nung nagkiss kami? WAAAAAAAAAAAAAAHHH! Grabe talaga epekto saken ni Chad.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon