Chapter 10 - "She's Broken"

42.6K 655 96
                                    

Yuri's POV

"WOOOOOOOOHOOOO! GO Eyd! Eyd Eyd Eyd! WAAAAAAHHHHH! YEEEEEYYYY!", sigaw ko to death dahil nanalo si Eyd the great ex of mine sa swimming competition! YEY! Paniguradong manlilibre to! Todo cheer pa ko habang inaawardan siya nung emcee.

Hinatak ko na agad si Jazz para salubungin namin si Eyd na ow so hot sa suot nyang swimming trunks. Yebah! EX KO YATA YAN! Hahaha! Akalain niyo naman bang nabighani ang hunk na to sa maladyosang beauty ko. Oh ano, sino aangal?

"WOOHOOO! Galing talaga ng ex ko!", sabi ko nang makalapit na kami sa kanya habang nagpupunas na siya ng katawan gamit yung towel niya.

"Ouch. Ex lang?", arte niya habang humawak pa sa dibdib na kunwari na hurt yung kanyang precious feelings.

"HOY ANG ARTE NIYONG DALAWA! Nagugutom na ko, magbihis ka na nga Eyd! Nagkakasala ako sayo eh.", sabay irap ni Jazz, problema nito? Hahaha! Napatingin lang kami ni Eyd sa kanya.

"O sige, magbihis lang ako. Hintayin niyo ko sa parking lot, treat ko kayo.", tapos ayun, pumunta na siya sa shower room. YEY! Sabe na nga ba manlilibre tong si Eyd the great eh.

"Oy bruha ka, anong problema mo?", tanong ko kay Jazz habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

"WALA!", PMS? Sabagay, ganto talaga tong babaeng to. Masaya tapos magagalit, tapos sasaya ulit. Bagong labas sa mental eh. Hahaha! Joke lang, baka mabasa nanaman neto isip ko.

"Ano na kase!?", pangungulit ko. Apat na taon ko na tong kaibigan kaya alam kong may problema to sa utak, este, may problemang iniisip to.

"Haaaaaay.", nagbuntong hininga muna siya. Nandito na kami sa parking lot. Ang bilis noh? Hahaha! Nasa likod lang kasi ng gym ang parking lot, kaya narating namin agad.

"E kasi bestfriend, hay nako! Wag na nga! Gutom lang ako.", kurutin ko kaya to! Pabitin pa eh! Pero mukhang nahuhulaan ko na.

"Si GG nanaman?", GG as in GAGONG GIAN na gagong tatay ni Ethan.

"E PANO KASE NAKAKAINGGIT KAYO NI EYD! SOBRANG CLOSE NIYO PA REN KAHIT EX NIYO LANG ISA'T ISA!", alam niyo yung iskandalosa? Ito po yun! Itong bruhang to!

Nasa parking lot kami nang bigla siyang nagsisigaw kaya napatingin samen ang madlang pipol! Buti nalang ubod at saksakan ko ng ganda kaya bawas kahihiyan din!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon