Chapter 25 - "Revelation"

30.2K 519 69
                                    

Yuri's POV

"Chad....", mahinang sabi ko nang makalapit ako sa isang lalaki na nakayuko at nagbabasa ng magazine. Hindi ako nagkamali, ako nga ang nasa magazine na binabasa niya.

Napatingin siya sa akin, derekta sa mga mata ko. Kitang kita ko ang gulat sa mga mata niya pero ilang sandali pa ay nawalan na ng reaksyon ang mukha niya sabay tayo at lakad palayo sa akin.

Gusto kong ihakbang ang mga paa ko, pero parang wala akong lakas para gawin yon. Matagal siyang nawala, matagal ko siyang hindi nakita, at matagal nang gumugulo sa isip ko ang mga nangyari noong gabi na bumago sa takbo ng buhay ko.

Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa makalayo na siya sa akin. Hindi pwede to eh, nakita ko na siya sa wakas. Huminga ako ng malalim tsaka ko hinakbang ang mga paa ko para sundan siya. Madilim na ang paligid at konti nalang din ang mga tao na nandito. Naglakad ako ng naglakad, hindi ko na siya makita. Hanggang sa napansin ng mata ko ang pagbukas ng mga ilaw sa baseball field. Tama! Dito siya laging naglalaro. Agad kong pinuntahan ang field at nagbabakasakaling siya ang nagbukas ng mga ilaw doon.

Nang makarating ako sa field, muling lumakas ang tibok ng puso ko dahil nakita ko siyang nakatayo sa gitna, hawak pa rin ang magazine na dala niya kanina. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya.

"CHAD!", inipon ko ang lakas ng loob ko kaya sa wakas ay naisigaw ko ang pangalan niya. Huminto ako sa likod niya.

"Bakit?", sa sobrang dami ng tanong ko, ito lang ang lumabas sa bibig ko. Nakita ko namang napayuko siya habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Bakit ka nawala Chad?", muling tanong ko.

"Bakit matagal kang hindi nagpakita?", napatingin ako sa kamay niya dahil napansin kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa magazine na dala niya. Hindi nagtagal ay halos malukot at mapunit na ito.

"Bakit ka lumayo?"

"Bakit ka------"

"Stop it.", napatigil ako nang marinig ko ang bulong niya.

"Hindi! Hindi ako titigil hanggat hindi ako nakakakuha ng sagot galing sayo.", hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sagutin siya ng ganito.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, ang makausap ka, kaya kahit saan ka pumunta ngayon, susundan at susundan pa rin kita.", naramdaman ko nalang na lumalabo na ang paningin ko dahil sa luha. Nanatili pa rin siyang nakayuko at nakatalikod sa akin.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon