Chapter 2 - "Meet THEM"

70.3K 923 48
                                    

Third Person's POV

"Hunter, sigurado ka ba dito?"

"Sigurado, commander. Kelan ba ako nagkamali? Dito ang hideout nila. Rider, nakahanda na ba sasakyan mo?"

"Handa na. Nakaparada sa backdoor ng warehouse. Dun lang naman sila dadaan kung tatakas sila."

"Commander, ano misyon ko ngayon?"

"Nagawa mo na nang maayos ang misyon mo, Deceiver. Job well done. Doon ka magstay sa front door ngayon, kung sakaling may makatakas na dadaan doon. I-contact mo na rin si Rider kung kailangan mo ng tulong. Kami ni hunter ang papasok sa loob. Get in position."

"Roger.", sagot ng tatlo pagkatapos ay nagpunta na sa kanya kanyang pwesto.

Sila ang Mischievous Four. Dark eyeliner, black shirt, pants and leather jacket ang porma nila ngayon. Tago ang personalidad, bihira kung makita na kung tutuusin, kapwa gang lang nila ang nakakakita sa kanila. Ayon sa mga nakalaban nila sa gang fights, ang apat na ito raw ay maikukupara sa isang buong army, dahil kung sino man ang kakalaban sa mga ito, siguradong mag-aagaw buhay. Hindi sila pumapatay ng mga tao, pero sinisiguro nilang sa ospital o kulungan ang bagsak ng mga ito, para magtanda. Bawat gang fights nila ay may dahilan. Kinakalaban lang nila kung sino ang dapat parusahan. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kayang misyon.......................

Deceiver: Dahil sa sobrang gwapo at lakas ng sex appeal, napaglalaruan niya ang girlfriends, kapatid, pinsan o kahit sino pang malapit na babae ng mga myembro ng target na gang kaya nakakakuha siya ng napakaraming impormasyon tungkol sa pagkatao ng mga ito.

Rider: Car racing and drifting champion. Napakinabangan niya ang talento sa gang fights. Dahil sa kanya ay walang kahit isa ang nakakatakas mula sa battle.

Hunter:  Magaling sa imbistigayon kaya nahahanap niya agad ang hideouts ng target na gang. Kanang kamay ni commander at magaling sa pakikipaglaban.

Commander: Utak ng grupo at leader ng Mischievous Four. Tagaplano ng lahat ng bagay. Pinakamagaling sa pakikipaglaban. Pinakamisteryoso ang pagkatao. [see picture sa side]

Exactly 7:42 nang gabi, may misyon ang Mischievous Four. Liblib ang lugar ng warehouse na pinuntahan nila pero walang takot silang sumugod nang walang backup na kasama. Para sa kanila, sapat na ang grupo nila na may apat na myembro para manalo sa gang fights.

Ang West Side Bandidos ang target nila ngayon. Ang leader ng gang na ito ay inaanak ng isang congressman kaya malakas ang loob. Walo ang myembro ng gang na ito, pwera pa ang mga alalay nila. Ayon sa nasagap na impormasyon ni Deceiver, kung isasama ang mga alalay sa bilang ng members ng WSB, 17 sila lahat-lahat.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon