Chapter 30 - "Dark Agenda"

28.8K 437 26
                                    

Yuri's POV

"So congratulations Ms. Kiana Chua.", pormal pero may halong nakakalokong ngiti na sabi ni Lester nang matapos kong pirmahan ang kontrata.

Kinuha niya ang mga papeles na hawak ko at tsaka ibinalik sa loob ng envelop. Binigyan din niya ako ng sarili kong kopya ng kontrata. Maya- maya pa ay tumayo siya at inayos na ang mga dala niya na senyales na aalis na siya.

"So, pano? Congrats ulit Kiana Babes!", nakangiting sabi niya sabay lahad ng kanang kamay para makipagkamay saken. Tumayo na rin ako tsaka nakipagkamay sa kanya.

"Thank you lang sana ang hihingin kong kapalit nito, pero sa nalaman kong nakuha ka na ng iba saken, mukang kailangan ko nito...."

O________O

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hatakin mula sa pakikipagkamay hanggang sa magkayakap na kami!

"Hoy! Bitaw! Anu ba Lester!", tinutulak ko siya pero ang higpit ng hawak niya.

"Hahaha! Sandali lang naman to e. O sige na nga, mauuna na kong umu-----"

"Talagang mauuna ka sa huling hantungan mo pag hindi mo pa binitawan ang girlfriend ko."

O___O

SI CHAD!

Bigla kong tinulak ng sobrang lakas si Lester pero nang makita ko ang muka niyang nakakaloko, dun ko lang narealize na kanina pa niya alam na nasa likod ko si Chad kaya sinadya niya kong yakapin! HOW DARE HIM!

"C-chad, wala lang-----", naputol ang sasabihin ko nang biglang itaas ni Chad ang kanang kamay niya na parang inaaya akong lumapit sa kanya na agad ko namang ginawa.

Nang makalapit ako, agad naman niya akong inakbayan. Tinignan ko lang ang muka niya pero blangko lang ang ekspresyon niyang nakatingin kay Lester.

"Hahaha! Easy ka lang pare. Chill!", nakakaloko nanamang sabi ni Lester kaya nakita ko nanaman ang smirk ni Chad. Ano ba talagang ibig sabihin ng smirk at pangiti ngiti niya kanina pa??

"So, mauna na talaga ko senyo. Pupunta pa ko sa Makati para isubmit tong kontrata. See you when I see you both!", paalam ni Lester at tsaka deredertsong dumaan sa harap namin ni Chad para makalabas. Pero hindi pa nakuntento ang loko, nagpakawala pa ng nakakalokong kindat.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon