Chapter 32 - "Is it Over?"

29.4K 438 25
                                    

Yuri's POV

"Oh ano na, kumpleto na ba lahat?", tanong ni Jazz.

"Kulang pa. Kulang na kulang.", sagot ko naman.

"Huh? Teka nga bruha ka, akin na nga yang maleta mo!", pagkatapos akong hawiin ng gaga na halos ikahulog ko pa sa kama, kinuha nga ang maleta ko tsaka parang inspektor na guard sa MRT na inisa isa gamit ko sa loob.

"Tsk. Alis nga jan! Isasara ko na para matimbang ko na!", inagaw ko ulit tong maleta ko.

"E bat isasara mo na e kulang pa nga diba?", inagaw nanaman niya saken.

"Kulang nga!"

"E bat nga isasara mo na!"

"E hindi naman kasya jan si Chad k.... ARAAAAY!", heto nanaman ang infamous na pambabatok nya sa sexyng batok ko!

"Yaaaan. Yan ang mapapala mo sa kalanturan mo!", iiling iling pang sabe ni Jazz habang sinasara na ang maleta ko.

"Bestfrieeeennd! Mababaliw na k.."

"Matagal ka nang baliw!", pagputol naman niya sa sinasabe ko.

"Huhuhu! Miss na miss ko na si Chad. Sobrang nag-aalala pa ko.", binitawan ko lahat ng hawak ko tsaka umupo sa kama habang nakadukdok ang muka ko sa tuhod ko.

"Bestfrieend, halos 1 week ko na siyang di nakikita. Kahit text hindi siya nagpaparamdam. Pati sa school hindi na rin siya pumapasok. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.", napabuntong hininga nalang ako.

"Haaaay, wag ka na muna masyadong mag isip jan, malay mo naman isusurprise ka lang nun sa airport mamaya. Wala ba kayong pinag awayan?", sa wakas, nagseryoso din tong bestfriend ko. Tumabi pa siya saken pagkatapos ay hinimas pa ang likod ko.

"Wala! Sobrang okay pa kami nung huli siyang nagpunta dito. Pagkatapos nun, hindi na siya nagparamdam. Yung tatlong itlog naman, pumapasok sa school pero umiiwas sila saken bestfriend! Di ko na alam gagawin ko! Aalis pa naman ako.", naramdaman ko na ang pamamasa ng mga mata ko.

"Oy! Wag ka ngang umiyak gaga ka! Pag namaga yang mata mo, hindi ka makakapag photo shoot mamaya! At mas lalong tatagal ka sa Macau. Tapos wala ka dito sa birthday ni Chester. Tapos magtatampo siya sayo. Tapos mag aaway kayo. Tapos magbe-break na kayo. Tapos magiging strangers na tingin nyo sa isa't isa. Tapos m..... ARAAAAAY!", kurutin ko nga sa singit ang bruha!

"HOY! Wag mo nga idamay ang lovelife ko sa lovelife mo. Ang layo ng narating ng storya mo ha!"

"Ouch! Foul yun ah. Ang sakit bestfriend!", umakting pa ang bruha na masakit daw ang dibdib nya.

"Oy, bat kailangan mong maging OA?"

"Aba! Kala mo naman kung sino tong hindi OA?"

Hindi na ko sumagot, yumuko nalang ulit ako sabay yakap sa tuhod ko.

"Tsss. Halika nga dito!", naramdaman ko naman na niyakap ang ni Jazz. Kahit ganito kaming mag-usap, kahit binabara ko siya lagi, ramdam na ramdam kong mahal namin ang isa't isa na parang kapatid na talaga ang turingan namin.

Ala-sais na ng umaga at alas-otso ang flight namin ni Lester papuntang Macau. Hinihintay ko nalang na sunduin niya ko tsaka kami sabay na pupunta sa airport.

Labag man sa loob kong umalis, naisip ko na rin na kailangan ko to para kay Chad. Gusto kong isurpresa siya sa Friday pagbalik ko dito kahit halos isang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Oo, madalas siyang ganito, biglang nawawala tapos bigla nalang babalik. Pero iba ang kutob ko ngayon, malakas ang pakiramdam ko na may hindi okay sa mga nangyayari.

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon