Chapter 1

18.9K 529 21
                                    


-Violet's POV-

Mga pagsabog at iba't ibang ingay ang tangi kong naririnig. Nagkakagulo sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Marami akong nakikitang sugatan at mga nakahandusay na tao sa lupa.

Anong lugar ba 'to?

Sa isang sulok ay nahagilap ko ang isang babaeng duguan pero hindi ko masyadong makita ang mukha niya.

"Zarah!" Sigaw nang isang babae habang tumatakbo papalapit sa isa pang babae.

Nakatayo lang ako sa gitna na para bang pinapanood ang bawat pangyayari.
Hindi pa rin naalis ang tingin ko dalawang babaeng nag-uusap.

"Zarah, sinong gumawa nito sayo?" tanong nito nang makalapit na sa babaeng sugatan.

"Dark Creatures! Sila ang gumawa nito at ang Green Dragon..." Sabi ng isang babae nagngangalang Zarah.

"Nakuha nila ang Green Dragon."

"Hindi pwede! Paano nila ito nakuha?"

"Makinig ka Diana..."

"May isang bata ang magtataglay ng kapangyarihan meron ako pero masmalakas ang kanyang kapangyarihan. Pagdating ng tamang panahon makikilala mo siya at pagdating ng araw na 'yon gusto ko ibigay mo to sa kanya." Sabi nang babae na nagngangalang Zarah, binigay niya ang isang kwintas na crystal.

"Hanapin mo siya, Diana, ibigay mo sa kanya ang kwintas na 'yan."

"Kaming dalawa ay iisa, ako ang kanyang kahapon, siya ang aking hinaharap. Ako ang kanyang gabay." Pagkasabi ni Zarah bigla nalang itong nawala...





*Bogssh*






"Aray ko!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo sa pagkakahulog mula sa kama. Weird ng panaginip ko...

"Violet, anong nangyari diyan?" Sigaw ni Tita Vet mula sa baba.

"Wala po tita!" Sagot ko sa kanya. Nagsimula na akong maglinis ng kwarto at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Good morning Tita!" Bati ko sa kanya, tapos kumuha ako ng pagkain sa table.

"Anong nangyari sa taas?" Tanong niya.

"Nahulog lang po ako sa kama ko." Sabi ko sa kanya.

"Oh, next time be careful." Sabi ni Tita sa akin.

"Hindi naman mangyayari 'yon kung hindi dahil sa panaginip ko eh..." Sabi ko sa kanya.

"Alam mo ba, Tita, ang weird nang panaginip ko. Meron akong nakitang dalawang babae pero hindi ko sila mamukhaan. Tapos ang gulo ng lugar, may sinabi pa 'yung babae na may kailangan daw hanapin na bata. Basta magulo!" Sabi ko kay tita. Pero hindi niya naintindihan lahat nang sinabi ko. Ang bilis ko kasi mag kwento eh... 'yan tuloy hindi niya ako maintindihan.

"Ewan ko ba sa'yo,Violet, sige na bilisan mo nang kumain baka ma-late pa tayo sa recognition day mo." Sabi ni Tita sa akin.

Pagkatapos naming pumunta ni Tita Vet sa Recognition, ngayon ay papunta na kami sa mall sabi niya treat daw niya. First honor kasi ako. Nakasakay na kami sa bus naghihintay nalang kami na umandar ito. Habang naghihintay kami may pumasok na tatlong lalaki tapos naglabas ng baril!

"Hold up 'to!" Sabi nung lalake na maydala ng baril.

"Ibigay ninyo lahat kung ayaw ninyong masaktan." Sabi nung isa pang lalake na may dalang bag. Lahat ng pasahero binigay ang mga gamit nila.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now