Chapter 7

8.3K 234 21
                                    


-Violet's POV-

Pagkatapos nang meeting bumalik na ako sa dorm. Nakakainis talaga! Bakit siya pa ang naging trainer ko?! Habang naglalakad ako, nakita ko si Zach papunta sa akin.

"Pinapasabi ni Headmistress Diana magsisimula na tayong mag training bukas." Cold na pagkasabi nito. Tumango nalang ako tapos umalis na, pero bago pa yon may humila sa braso ko. Si Zach, anong problema nang lalaking 'to?!

"Anong problema mo?"

"Nagsisimula pa lang ang labanan, Violet!" Bulong nito. Naramdaman ko nalang ang bilis nang tibok nang puso ko, at pagtaas nang balahibo ko. Anong nangyayari sa akin?!

"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko tapos kumawala sa pagkakahawak niya. Agad na akong umalis papalayo sa kanya!

Pagdating ko sa dorm nakita ko si Winter at Hannah. "Kamusta ang meeting?" Tanong ni Winter.

"Okay naman." Matipid kong sagot.

"Tungkol saan pala yung meeting ninyo?" Tanong ni Hannah habang kumakain nang chips.

"Tungkol lang naman sa pagpapalabas nang charm creature ko. Sabi ni Headmistress Diana kailangan ko daw nang trainer para mas madali ko nalang mapalabas ang charm creature ko." I said.

*sigh*

"May problema ka ba?" ~Winter. Hay! Nakakainis na alala ko na naman yung nangyare kanina.

"Nakakainis kasi yung magiging trainer ko!" Sabi ko.

"Sino ba yung magiging trainer mo?" ~Hannah

"Si Zach!" I said,

"Si Zach?!" They both said in unison.

"Oo, si Zach ang magiging trainer ko! Bakit siya pa kasi ang napiling maging trainer ko eh?"

"Ayaw mo ba yon?! You're very lucky, lahat nang girls dito sa campus gusto makasama si Zach." Ako lucky?! Nakakatawa 'tong si Hannah.

"Hahahaha! Ang swerte ko naman dahil makakasama ko ang isang mayabang na Zach Williams!" Sarcastic kong pagkasabi.

"Hindi naman talaga ganyan si Zach!" Sabi ni Hannah sa akin. Agad kumunot ang noo ko, ano daw? Bahala na nga!

"Sige pupunta na ako sa room ko." Sabi ko tapos pumunta na sa kwarto ko.

Nandito ako ngayon sa training room, sabi kasi Preceptor Miranda dito ko daw hihintayin si Zach. Asan na kaya si Zach? Kanina pa ako dito.

"Magsimula na tayo!"

"Ay Batman!"Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tiningnan ko lang si Zach, his hands are placed in his pocket.

"May balak ka bang patayin ako?" I said. Nag Tsk lang siya, tapos pumunta na sa center nang training room .

"May apat na klase ang charm creature. Fire, Water, Wind, and Earth." Paliwanag niya.

"Now make a Fire Dragon!" He stated. Paano naman ako makakagawa nang Fire Dragon?

"Paano?" Tanong ko.

"First, you have to focus, second make a fire ball. Pagnakagawa ka na nang fire ball ihulog mo ito, at doon kana makakagawa nang fire dragon!" He said.

Sinunod ko ang instructions niya. Ilang beses na akong gumawa nang fire ball pero nawawala naman kaagad ito.

"Mali ka naman!" He said. Nakakainis na siya! Wala na siyang ginawa kundi sigawan ako.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na stay focus?!" Sigaw niya. Alam ko!

"Kahit anong pilit kong mag-focus dito pero wala pa rin eh, kasalanan ko ba yon?!" I shouted.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now