Chapter 14

5.8K 160 8
                                    

Dedicated to: LAYEA143
Thanks a lot for voting!:) At thank you rin po sa mga taong naglagay ng story ko sa reading list nila. Thank you Guys

-Violet's POV-

Pagkatapos kong pumunta sa office dumiritso na ako sa training room. Ngayon kasi ang final training ko. Pagdating ko sa training room wala pang tao kaya nagsimula nalang akong magtraining. Nagbalas ako ng fire dragon at sinubukang kontrolin ito.

"Nagsimula ka na pala mag-insayo ng wala ako!" Napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko si Zach.

"Ay! Sorry!  Sinukubukan ko lang naman kontrolin yung fire dragon ko. uhm.. tungkol saan pala ang training natin ngayon?" Tanong ko.

"Ngayon ay ang final battle natin." Matipid niyang sagot.

Final Battle?

"Anong final battle?" Tanong ko.

"Final Battle-huling day ng training. Kailangan natin maglaban para mapatunayan na okay ka na. Na hindi mo na kailangan magtraining." Paliwanag niya. So, maglalaban kaming dalawa? Hindi ko kayang labanan si Zach! Masmalakas siya kaysa sa akin.

"Hindi kita kayang labanan!" Sabi ko. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Pasensya na! pero kailangan mo akong labanan." Sagot niya. Nahihibang na ba siya?! Pa'no ko siya kakalabanin?!

"Magsimula na tayo!" Pagkasibi niya non nagbalas na siya nang air wolf. Hay, nakakainis talaga.

"Hindi kita kayang labanan dahil masmalakas ka, at hindi ko kayang kalabanin ang mga kaibigan ko." I said. Sumeryoso naman ang mukha ni Zach.

"Dapat alam mo kung paano lumaban at labanan ang mga taong malapit sa'yo. Misan ang mga taong malapit pa sa iyo, ang siyang magdadala sa'yo sa kapahamakan." Seryoso niyang pagkasabi. May pinaghuhugutan ba siya? Ang lalim kasi ng mga sinabi niya.

Inatake na ako ng Air wolf ni Zach, mabuti nalang nakaiwas ako. Nagpalabas na ako ng Fire Dragon at inatake siya. Aaminin ko malakas ang Air wolf ni Zach hindi ito madaling patumbahin. Nang akmang lulusubin na ako ng air wolf ni Zach agad itong pinigilan ng fire dragon ko. Nagcause ng malaking pagsabog ang paglalaban ng air wolf at fire dragon namin, babasak na sana sa akin ang isang pader pero sinalo iyon ni Zach. Ngayon ang pwesto namin ay, ako ang nasa sahig at siya naman sa ibabaw ko. Nakatukod ang mga kamay ni Zach sa sahig habang nasa likod niya ang pader.

"Zach!" Sabi ko, "okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako! Huwag kang mag-alala! Kailangan kitang protektahan." Napatingin ako kay Zach nang sabihin niya 'yon, kitang-kita ko sa mata niya na hirap na hirap na siya.

"Kailangan na natin humingi ng tulong." Naiiyak kong sagot. Ilang minuto na rin kami nasa ganon na posesyon at si Zach nakatukod pa rin ang kanyang dalawang braso sa sahig.

"Zach! Violet!" Nakarinig kami ng mga  boses. Si Queen at Winter.

"Queen! Winter! Nandito kami!" Sigaw ko. Ilang saglit lang yung pader na nasa likod ni Zach ay nawala, at nakita ko si Queen at Winter. Agad naman  kaming dinala sa clinic.

Pagdating namin doon ginamot na kami ng nurse. Hindi naman ganon kalala ang mga sugat ko, si Zach ang sobrang nasaktan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa ginawa ni Zach. Para kasi akong sinasaktan noong mga oras na iyon, yung makita mo siyang nahihirapan. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, pero isang bagay lang ang naiintindihan ko ngayon.

I'm falling in love with Zach

Hindi ko na talaga namalayan na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya.

The Dragon Princess (Under Revision)Kde žijí příběhy. Začni objevovat