Chapter 40

2.1K 38 1
                                    

If you're reading this I wanna say a massive thank you for your never ending support and patience.

Hope you enjoy this story and Happy Reading 😊

- Violet's POV-

"Gumising kana anak ko." ang boses na yon. Ilang beses ko na narinig ang boses na yon pero kahit kailan hindi ko pa nasilayan ang mukha niya.

"Nasaan ka? Magpakita ka sa'kin!" sigaw ko at sinubukan hanapin kung saan nanggagaling ang tinig na iyon pero wala akong makita kundi dilim lang.

"Ito na ang huli iyo nang mawawakasan ang lahat." sabi nito.

"Hanggang sa muli aking anak, Jane..."

Marahan kong binuksan ang mga mata ko at isang kuweba ang bumangad sa paningin ko. Asan na ba 'ko?

"Ano bang nangyari?" ito nalang ang naging tanong ko habang pinipilit kong alalahanin yung nangyari kanina. Ang naalala ko lang naman ay sinugod ako nung lalakeng nakaitim tapos wala ng iba.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa lupa at tinignan ang paligid ko. Madilim ang buong paligid at ang tanging ilaw lang ay ang apoy na nasa gitna. Sa isang sulok ay may malaking upuna na gawa sa bato. Ano ba ang lugar na 'to?

"Mabuti naman at gising kana Violet Alfonzo." Napalingon nalang ako sa likod ko nang marinig ko ang boses at don ko nakita ang isang taong nakatayo mula sa dilim. Hindi ko makita ang mukha niya kaya pinasingkit ko ang mga mata ko.

"Matagal ko ring hinintay ang pagtutuos natin Dragon Princess, o mas gusto mo tawagin na kita sa tunay mong pangalan." Unti-unting lumapit sa'kin yung babaeng nakaitim. Wala akong magawa kundi mapaatras na lamang.

Nararamdaman ko na ang bilis ng puso at pamumuo ng pawis sa aking noo. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Ang taong nasa harapan ko ay ang taong dahilan kung bakit namatay kay Tita Vet, Hannah at lalo na sa tunay kung ina.

"Dark Queen." I whispered. Napakuyom nalang ako habang masamang tinignan siya.

"Katulad ka rin ni Zarah palagi niyong pinapakitang malakas at matapang kayo pero sa totoo mahina talaga kayo. Hahahahaha!" halos pumintig ang tenga ko dahil sa narinig ko mula sa kanya. Gusto kong sumabog galit. Gusto ko siyang patayin gamit ang sariling kong kamay. Anong karapatan niyang para laitin ang ina ko na pinatay niya?

Inangat nito kaunti ang kanyang ulo at doon ko nasilayan ang isang mapaglarong ngiti sa mukha niya.

"Tama ba Prinsesa Jane."

Unti-unti itong humakbang papalapit sa'kin kaya napaatras nalang ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakakaramdam ako ng takot. Hindi dapat takot ang pinapairal ko sa harap niya.

Huminto ako at tumuwid ng tayo. Haharapin kita Dark Queen at sisiguraduhin kung pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa kaibigan ko, pamilya ko at sa iba pang inosenteng tao.

"Hindi kita aatrasan, Dark Queen." matapang kong saad sa kanya. Tanging mahinang tawa nalang ang narinig ko sa kanya.

"Tignan natin kung kayanin mo ang lahat pagpinakita ko sa'yo ang lahat." sa muli niyang paghakbang sa liwanag doon ko nasilayan ang mukhang kanina pang nagtatago sa dilim.

"I-ikaw..." I stuttered. Nanlaki ang mata ko ko nang makita ko siya. Hindi pwede! Siya ang Dark Queen?

"Ngayon pamangkin ko sabihin mo sa'kin na kaya mo akong labanan." saad nito.

Si Prinsesa Sirene? Sa buong oras na 'to siya pala ang taong matagal na nagtatago sa dilim. Siya pala si Dark Queen pero paano nangyari yon?

"Hindi." I said. Ilang beses ako napailing pero tanging isang mapaglarong ngiti lamang ang puminta sa mukha niya

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now