Chapter 32

2.2K 54 0
                                    


-Violet's POV-

Pagpasok namin sa loob nandoon na ang lahat maliban kay Headmistress Diana. Umupo na kami sa upuan sa harap namin ay isang mahabang lamesa.

"Tungkol saan ba 'tong meeting na 'to?" Iritadong tanong ni Queen. Nagkibit -balikat nalang ako dahil hindi ko rin alam kung tungkol saan ang meeting na 'to.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Headmistress Diana at nagsimula na ang pagpupulong.

Inaayos muna ni Headmistress Diana ang kanyang damit at nagsalita,

"Ang pagpupulong na ito ay tungkol sa'yo, Violet. At Green Dragon."

"Nandito kaming lahat para hingin ang tulong mo, Karmen. Tulong mo para matawag ang Green Dragon." Naging seryoso ang lahat sa pahayag ni Headmistress Diana.

Muntik na pala naming makalimutan na nandito kami para sa Green Dragon.

"Sa tingin ba ninyo mamatawag niyo ang Green Dragon? Matatawag ni Violet ang Green Dragon? Matagal na ang nakakalipas simula noong matawag ang Green Dragon." I looked at Karmen. Nakatingin lang ito sa lamesa.

"Tulungan niyo si Violet para matawag ang Green Dragon." Paki-usap ni Headmistress Diana. Tumayo si Karmen mula sa pagkakaupo at tinignan ako.

"Ang kapangyarihan ng Dragon Princess ay tunay ngang kakaiba, pero sa likod ng kapangyarihan ay ang nakatagong sumpa."

Sumpa?

"Anong sumpa?" I gave her a cold stare. 

Kahit na natatakot ako, tinago ko lang ito. Gusto kong malaman kung anong sumpa ang sinasabi niya.

"Kung ang kapangyarihan ng Green Dragon ay mag bigay ng buhay at liwanag, ang sumpa naman nito ay kamatayan..." Aniya.

Tumayo lahat ng balahibo ko, shivers went down to my spine. Nagmistula akong statwa.

Kailangan kong mamatay?

"Ngayon sabihin mo sa 'kin, Violet. Gusto mo pa rin bang tawagin ang Green Dragon? Kaya mo pa bang tahakin ang iyong tadhana?"

Nakakapaso ang tingin niya, para bang sinasabi niyang hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.

Tadhana? Tinadhana ba akong mamatay?

Nabigla naman kaming lahat ng hinambalos ni Haring Arkon ang lamesa.

"Isang malaking kalokohan! Itutulad mo rin ba si Violet kay Zarah at sa anak ko. Namatay si Zarah dahil iniligtas niya ang mga nakakarami at nawala rin sa aking anak." Halata sa tono ng boses ni Haring Arkon ang galit.

"Namatay si Zarah para baguhin ang kapalaran na itinakda, namatay siya para magbigay daan sa bagong pintuan." Tumaas ang boses ni Karmen pero naging mahinahon din siya,

"Hindi man niya napigilan ang pagbubukas ng nakaraan, pero nabago naman niya ang hinaharap." At doon umalis si Karmen.

Umalis lang siya nang hindi pa sinasagot ang tanong ko.

Paano ko mamatawag ang Green Dragon? Mamatay ba talaga ako pag nawatawag ko ito?

Lumapit sa akin si Headmistress Diana at tinignan ako ng mapait. Ngumiti nalang ako sa kanilang lahat at lumabas na. Tumakbo lang ako malayo sa kanila, dinala nalang ako kusa ng aking mga paa sa may garden.

Umupo nalang ako sa may damuhan at niyakap ang mga tuhod ko. Hinayaan ko ang aking mga luha bumagsak.

Pinanganak ba ako para mamatay? Ano ba 'tong tanong ko? Lahat naman ng tao namamatay.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now