Chapter 6

9.5K 250 13
                                    


-Violet's POV-

2nd day na ng school. Ito ako ngayon nag-aayos ng kwarto ko, 5:00 pa lang kasi gising na ako. Pagkatapos kong maligo pumunta na ako sa kwarto ni Hannah.

"Hannah?" Sabi ko tapos pumasok sa kwarto niya, "Hannah!"

"Hannah gising na!" I said trying to wake her up.

"Mamaya nalang, Mama!" Sabi ni Hannah habang nakapikit ang mga mata niya. Mama? Pinagkamalan pa talaga ako bilang mama...

"Si Violet 'to! Gumising ka na!" ~ako. Tinakpan lang niya ang mukha niya ng unan tapos bumalik sa pagkakatulog. Mamaya ko nalang siya gigisingin. Si Winter nalang, sigurado gising na yon.

Pumunta na ako sa kwarto ni Winter at ganun din tulog siya, ganito ba sila matulog? Kung matulog kasi wagas.

"Winter!" Sabi ko.

"I'm not in the mood!" Agad nalang akong lumabas ng kwarto niya, iba kasi magalit si Winter at sigurado ako pag ginising ko 'yon baka magkabagyo pa dito. Wala na akong choice kundi pumunta mag isa sa cafeteria.

Nasa cafeteria na ako kumakain, habang kumakain ako napatingin ako sa isang lalake sa labas sa may open field, si Zach ba yun? Pinagmasdan ko lang si Zach habang sinisipa niya ang mga bato.

"Violet!" Agad kong inalis ang tingin ko sa open field tapos tumingin kina Hannah at Winter.

"Hannah! Winter!" Yan lang ang nasabi ko, umupo na silang dalawa.

"Ano ang tinitingnan mo dyan sa open field?" Tanong ni Hannah tapos tumungin sa open field.

"Si Zach!" ~ Winter.

"May crush ka kay Zach noh?" Tanong ni Hannah sa 'kin.

"Wala!" Sabi ko na halos pasigaw na.

"Weh!" Sabay na sabi ni Hannah at Winter, "bakit ganyan ka makareact?"

"Wala nga!" Naramdaman ko nalang uminit ang dalawang pisngi ko.

"Bakit ka na mumula diyan hah?" Sabi ni Winter, ang hilig talaga nilang mangasar.

"Dahil mainit dito!" Pagdadahilan ko. Tumawa nalang silang dalawa.

"Okay!" Sabi ni Hannah tapos tumawa.

"Kumain nalang tayo!" Sabi ko tapos nagpatuloy na akong kumain.

"Okay class humanap na kayo nang partner ninyo!" Sabi ni Professor Kara. Nasa potion class ako ngayon at pinapahanap kami ni Professor Kara ng partner namin. Pumunta ako kay Hannah pero may partner na siya, si Winter naman may partner na din. Lahat ng classmates ko may partner na.

"Miss Alfonzo, wala ka bang partner?" Tanong ni Professor Kara.

"Wala po!" Sabi ko. Magsisimula na sana kami nang may dumating na isa pang student.

"You're late!" Sabi ni Professor Kara kay Zach.

"Sorry mam!" Sabi niya habang kinakamot ang likod ng leeg niya.

"Okay na!" Sabi ni Professor Kara, "Now go to your partner!" What! Bakit siya pa ang partner ko? Pumunta siya sa tabi ko tapos nagsimula nang magturo si Professor Kara.

"Mali ang ginagawa mo!" Sabi ni Zach na halos pasigaw na, ano bang mali dito sa ginagawa ko? Ganito kasi yan pinapagawa kami ni Professor Kara ng healing potion tapos itong kasama ko walang gingawa kundi sigawan ako.

"Tumulong ka kaya!" Nakakainis na 'tong Zach na 'to.

"Kanina pa ako tumutulong dito!" Sagot niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nang gawin ang healing potion.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now