Chapter 21

4K 112 3
                                    


-Headmistress Diana-

"Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang gusto ng Dark Queen!" Wika ni Headmaster Fernando. Nandito kami ngayon at nagpupulong tungkol sa magaganap na War.

"Ito na naman ang kinakatakutan ng lahat ang War. Parang bumabalik ang nangyari dati. Ang Dark War!" Galit na pahayag ni Councilor Jessa. Tama siya. Parang umulit ang nangyari noon, bumalik ang kinalatakutan ng lahat.

"Kung mangyari ang naganap noon dapat may baguhin tayo." Wika ko.

"Dapat mailigtas natin ang mga taong naninirahan dito, hindi tulad na nangyari noon." Naalala kong ulit ang nangyari ang masasakit na ala-all.

"Wag nating hayaang may mawalan ulit ng mahal nila sa buhay at mawalan ng pag-asa."

"Tama si Headmistress Diana. Malakas ang laban natin sa Dark Queen dahil nasaatin ang Dragon Princess."

Malalagpasan namin ang lahat ng ito. Sisiguraduhin na namin ang pagbagsak ng Dark Queen at mga alagad nito. Huwag kang mag-alala Zarah matatapos rin ang lahat ng ito.

Kasama namin ang Dragon Princess ang siyang tatapos sa kasamaan ng Dark Queen.

-Violet's POV-

"Make sure na may partner kayo sa gaganaping School Reunited One." Paalala sa amin.

"Class dismissed!" Malapit na kasi ang tinatawag nilang School Reunited One. Dito magaganap ang labanan ng mga estudyante sa iba't ibang school. Hindi lang naman labanan ang School Reunited One may pagdiriwang din. At sa susunod na araw na yon gaganapin.

Pagkatapos non umalis na ako pupunta na ako sa susunod kong class. Habang naglalakad ako nadaanan ko yung Magic Council's Office. Itutuloy ko ba yung plano ko? Nagdadalawang isip tuloy ako!

Pero kailangan kong pumunta doon at humanap ng sagot sa mga katanungan ko.

Sorry Caleb!

Napa-sigh nalang ako nang maisip ko yung promise ko sa kanya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa class ko.

"Violet!" Pagdating na pagdating ko sumalubong kaagad si Caleb sa'kin.

"Hi!" Sabi ko. Batid ko nahalata niya ang pagbabago sa boses ko. Kumunot naman ang noo niya parang nagtataka.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

"Wala naman pagod lang talaga ako." Sagot ko.

"Okay." -Caleb. Hindi nalang niya ako pinansin at bumalik na sa pagkakaupo. Buong klase wala akong maintindihan hangang sa uwian na. Dumiritso na ako sa dorm ko pero ba iyon dumaan mo na ako sa Magic Council's Office.

"Wala bang magbabantay dito?" Tanong isang lalake

"Wala eh... Lahat kasi sila may meeting." Sabi naman ng isang lalake. Kung walang magbabantay dito pwede akong pumunta dito. Maraming salamat at nakisama na sa akin ang tadhana!

Nang papalabas na sila umalis na ako at pumunta na dorm ko. Pagdating ko doon may nakita akong isang papel sa bintana.

Walang nakalagay kung sino ang nagpadala o saan ito nagmula. Nakakapagtaka naman... Pagbukas ko sa papel isang sulat ang nakita ko.

Humanda ka na Violet...

Kinabahaan ako sa nabasa ko, ano ba talaga ang kailangan nila? Bakit ba nila ako ginugulo? Iyan ang katanungan na nasa isip ko. Tinago ko nalang ang papel at nagbihis na.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now