Chapter 13

5.2K 181 1
                                    


-Violet's POV-

"The first prophecy?" Tungkol saan naman kaya ang librong 'to? Dahil curious talaga ako sa libro binasa ko nalang.

"Sa isang kaharian na pinamumunuan ng matapang at may busilak na pusong hari at reyna."

-Violet's Imagination-

(Ito  yung parang na i-imagine ni Violet 'yung story habang nagbabasa.)

Sa kahariang ito namumuno ang matapang na hari at ang kanyang reyna. Ang hari at reyna ay may dalawang anak. Isang araw pumunta ang bunsong anak nila sa mahiwagang bahagi ng palasyo.

" Ama! Ina!" Sigaw ng isang bata. Agad namang pumunta ang hari at reyna sa prinsesa.

"Bakit anak ko?" Tanong ng reyna. Pinakita ng bata ang isang ibon.

"Nakita ko po ang ibong ito na sugatan, kaya ginamot ko po." Sabi ng bata. Napangiti naman ang hari at reyna sa bata.

"Magaling Anak!" Papuri ng kanyang ama.

"Ama! Ina!" Isang bata ang dumating, siya ang panganay na anak ng hari at reyna.

"Ama! Ina!  Kailangan na natin pumunta sa  labas ng kastilyo, may mga taong gumagawa ng mahika." Sabi ng bata sabay hila sa mahal na hari.

"Sandali lang anak... pinapanuod pa namin ang kapatid mo, ginagamot niya ang isang ibon." Paliwanag ng kanyang ama. Dito na nagsimula na magtanim ng ingit at galit ang panganay na prinsesa sa kanyang kapatid.

"Palagi nalang siya! Paano naman ako?!" Sigaw ng panganay, umiyak ito.

"Sige na po, Ama at Ina. Samahan nalang po ninyo si Ate."  Sabi ng bunsong prinsesa.

"Paano ka naman?" Tanong ng kanyang ina.

"Sasama nalang po ako para hindi kayo mag-alala." Sabi ng anak. Natuwa naman ang bunsong prinsesa pero lalong lumiyab ang ingit, at galit ng panganay sa kapatid.

"Ang galing ng ginawa nila! Napakagaling nila!" Sabi ng bunsong prinsesa.

"Napakaganda talaga!" Sabi ng panganay na prinsesa.

"Paglaki ko gusto magkaroon ng kapangyarihan na tulad din sa kanila." Sabi ng bunsong prinsesa. Napangiti naman ang mahal na hari at reyna sa sinabi ng kanilang anak.

"Ano ba ang gusto mo paglaki?" Tanong ng hari.

"Gusto ko maging isang diwata!" Sabi ng bunsong prinsesa, "Gusto ko magkaroon ng isang napakalaking kahariang gubat, doon may mga nasasakupan akong hayop. Mga ibon at kahit anong uri ng hayop."

Natuwa ang mahal na hari at mahal na reyna sa sinabi ng bunsong anak. Napuno ng galit ang panganay na anak niya at nangako,

"Magiging reyna din ako ng kahariang ito."

Lumipas ang maraming taon. Namatay na ang hari tanging ang reyna nalang ang naiwan. Dahil matanda na ang reyna at hindi na malakas, nagpasya ang mahal na reyna na mamili nang hahalili sa kanya.

"Dumating na ang araw, ang araw nang pagpili ng bagong reyna!" Sabi ng kanyang alagad. Agad  namang pumunta ang dalawang prinsesa sa harapan ng reyna.

"Ang bagong reyna ng ating kaharian!" Sabi ng reyna at ibinigay ang korona sa bunsong prinsesa. Nagsiyahan ang mga tao.

"Magsaya kayo ngayon pero sisiguraduhin ko na sa akin ang huling halakhak." 
Nabalot nang galit at paghihiganti ang panganay na prinsesa, dinala niya ito hangang sa paglaki.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now