Chapter 2

13.7K 398 16
                                    

-Violet's POV-

"Tita, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Sabi niya pupunta daw kami sa isang beach pero until now wala pa rin akong nakikitang dagat. Saan ba talaga kami pupunta?

"Nandito na tayo!" Sabi ni tita. Agad akong tumingin sa paligid, nasaan na ang beach? Wala namang tao dito. Bumaba na si tita sa car pagkatapos sumunod na ako.

"Tita Vet, nasaan ba tayo?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito nagsalita. "Follow me." She said, I nodded and followed. Suddenly, may natanaw akong isang liwanag sa isang lugar. Pumasok si tita sa isang halaman na may secret door. I enter the secret door at doon ako natulala.

"Wow! What is this place?" I asked in amazement. Tiningnan ko ang paligid kakaiba. May mga crystals sa bawat building na nakikita ko. Ang ganda ng paligid!

"Welcome to Enchantria!" Sabi ni Tita Vet sa akin. "Anong lugar 'to?" I asked again.

"Ito ang mundo ng magic. Kung saan lahat ng tao ay may magic." Natigilan ako sa sinabi ni tita, anong ibig niyang sabihin?

"What? Hindi kita maintindihan, tita." I said to her. Like there is a big question mark on my face.

"I'll explain to you later. Ngayon pumunta muna tayo sa Charm East University." Sabi ni tita sa akin. Tumango nalang ako. Habang naglalakad kami ni tita may huminto na isang karwahe sa tapat namin. Tiningnan ko 'yung karwahe pero wala namang tao kahit driver wala.

"Sasakay tayo dito?" Tanong ko kay tita. Tumango lang si tita tapos sumakay na kami. Habang nakasakay kami marami kaming nadaanan na mga lugar, ang ganda talaga ng lugar na 'to!

Naramdaman ko nalang na huminto 'yung karwahe na sinasakyan namin. Agad akong lumabas tapos tiningnan yung lugar na sinabi ni tita na Charm East University. Natulala ako sa nakita ko, paano naging school 'to? Mas matuturing mo siyang isang castle instead na school. Paano naman kasi ang laki ng gate at ang taas ng mga harang. Ito pa may fountain at ang ganda ng paligid.

"Welcome to Charm East University!" Greeted ng isang babae sa may tapat ng gate.

"Preceptor Miranda! Nice to see you again!" Tita Vet said to the woman named Miranda.

"Preceptor Vet, I'm very happy to see you again!" Sabi ni Preceptor Miranda kay Tita Vet. Napatingin si Miranda sa akin tapos nag-smile.

"Ikaw siguro ang anak nina John at Samantha" Sabi niya.

"Yes, pero paano ninyo nakilala ang parents ko?" Tanong ko sa kanya.

"Long story! By the way I'm Miranda Walker, you are?" -Preceptor Miranda.

"Violet Alfonzo." -ako. Tapos shake hands.

"Let's go inside! I'm sure the Headmistress is waiting for us." So, lahat kami pumunta na sa loob ng university. Pagpasok namin sa loob, my eyes went wide. Ang ganda ng lugar na 'to kahit na old siya, pero makikita mo parin ang kagandahan at luxury ng lugar. Huminto kami sa isang wall agad akong nagtaka kung bakit kami nakaharap sa isang wall. Biglang bumukas ang wall at doon nakita ko ang isang office.

"Headmistress, nandito na po sila." Agad akong napatingin sa babae na nakatayo. Parang familiar ang mukha niya.

"Nice to see you again Vet!" Sabi nung babae. Nasa 40+ na siguro siya.

"Nice to see you again, Headmistress Diana." Sabi ni tita doon sa babae na pangalan ay Diana. Wait... parang narinig ko na ang pangalan na 'yon ah... hindi ko lang alam kung saan ko ito narinig.

"You must be Violet?" Tanong ni Headmistress Diana sa akin, tumango lang ako.

"Have a sit!" -Headmistress Diana.

"Have some tea, dear" offer ni Headmistress Diana.

"Thank you po." Sabi ko tapos kumuha nang tea.

"Tita, ano po ang ginagawa natin dito?" Tanong ko kay tita. Nagtinginan silang dalawa.

"Natatandaan mo ba ang nangyari kahapon sa bus?" Tanong ni Headmistress Diana sa akin. Paano niya nalaman 'yung nangyari sa bus?

"Opo, bakit ninyo po natanong?" -ako.

"Violet, mahirap man paniwalaan pero may kapangyarihan kang tinataglay!" Sabi ni Tita Vet sa akin.

"Ako? Paano? Tita, alam naman natin na hindi totoo ang magic!" Sabi ko sa kanya.

"Totoo ang lahat ng ito, Violet!"-Tita Vet. Tiningnan ko silang dalawa at confused pa rin.

"Alam ko nagugulohan ka pero totoo ang lahat ng ito, Violet. Alam ko balang araw maiintindihan mo rin ang lahat." -Headmistress Diana. Binigyan ko nalang siya ng smile, pero hindi ko talaga aakalain na may kapangyarihan talaga ako.

"At para maintindihan mo nang mabuti kung paano gamitin ang magic mo,at ang history sa mundong ito, dito ka muna mag-aaral." Sabi ni Tita Vet sa akin.

"Pero Tita, hindi ko alam paano gamitin ang kapangyarihan ko, paano kung hindi ako bagay dito?" -Ako.

"Don't worry, Charm East University is the perfect place for you." Sabi ni Headmistress Diana sa akin.

"Okay po!" Reply ko naman.

"I just have a few questions tungkol kay Violet, anong charm creture meron siya?" Tanong ni Headmistress Diana kay Tita Vet. Agad nag furrowed ang eyebrows ko, anong charm creature?

"Anong charm creature? " Tanong ko.

"Tawag sa alagang meron ang isang charm holder. Ang charm creature ay pwede maging anyong tubig, apoy, lupa, hangin. Pero sa tingin ko hindi mo pa alam kung ano ang charm creature mo, am I right?"- Headmistress Diana.

"Tama kayo Headmistress Diana. Pati na rin ang magic meron siya hindi niya alam." Sabi ni Tita Vet kay Headmistress Diana.

*sigh*

"Don't worry, Vet, malalaman natin yan bukas." Sabi ni Headmistress Diana kay Tita Vet. Tapos ngumiti.

Pagkatapos namin makipag-usap kay Headmistress Diana nandito kami ngayon ni Tita Vet sa dorm ko.

"Take care of your self, Violet." Sabi ni Tita sa akin. "Kayo rin po, Tita Vet." Sabi ko sa kanya

"Siguro magiging magaling ka katulad ng mom at dad mo." Sabi ni Tita sa akin habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Ano ba 'to ang drama na natin!"-Tita Vet.

"Okay ka na dito? Lahat ng kailangan mo nandiyan na. I will miss you, Violet." Sabi ni Tita sa akin tapos nag final hug na kami.

Pagkatapos nun ay umalis na si tita. Unexpected talaga ang mga pangyayaring ito, hindi ko aakalain na may magic world pala at isa ako sa mga taong may kapangyarihan. Ngayon ay nag-aaral sa isang magic school! I hope na babagay ako dito sa university na 'to.

***************************

Hi! So ayan ang chapter 2
I hope magustohan ninyo ang chapter na ito. Alam ko naman na hindi maganda ang story, actually parang feeling ko lame ang story ko. Felling ko lang, kayo anong masasabi ninyo sa story ko?

Sorry sa grammatical error!

See you in my next update!

Vote, Comment, Spread!!!

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now