Chapter 29

2.3K 60 5
                                    

Hi guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update kakatapos lang kasi ng exam at clearance namin. Thank you for all your support and patience😊

-Violet's POV-

Sa pagpapatuloy ng paglalakbay namin, yung dating maingay na paligid wala na parang may kulang. Si Hannah lang naman ang nagpapaingay sa palagid.
Tahimik lang kaming naglalakad tanging mga tapak lang ang naririnig.

Napahinto kami sa paglalakad ng makarating kami sa isang wasak na lugar. Nilibot ko ang tingin pero mga sirang bahay at gusali lang ang nakikita ko pero isang bagay ang kumuha ng atensyon ko. Isang watawat na may larawang dragon. Nasaan ba kami?

"Dragon Kingdom!" Sambit ni Queen. Ito pala ang Dragon Kingdom.

"Ang dating tinitingalang kaharian na ngayon ay wala na." Dugtong pa ni Caleb. Hindi ako makapaniwala na nandito ako sa kaharian ni Zarah.

"Dito muna tayo magpahinga mahirap nang maglakbay pag gabi." Sabi ni Winter. Sumangayon naman kaming lahat.

Naghanap kami ni Queen ng lugar kung saan pwede maglagay ng tent habang yung iba naman naghanap ng kahoy.

"Bakit naging ganito na ang Dragon Kingdom?" Tanong ko.

"Pagkatapos ng Dark War ganito na ang Dragon Kingdom. Hindi na ito naitayo pang muli dahil sa sobrang pagkasira nito." Sabi ni Queen.

"Pero maayos naman sana ito kung hindi lang nawala ang anak nina Zarah at Arkon." Dagdag pa niya.

Ang anak nila? Bakit nga ba siya nawala? Tumigil lang kami sa pag-uusap ni Queen nang dumating na yung iba. Kaagad kung kinuha yung mga kahoy at gumawa ng apoy.

Nakita ko naman si Caleb na papunta sa amin at may dalang pagkain.

"Tignan niyo oh! Kakaiba talaga si Hannah puro pagkain siguro ang laman ng bag non,noh? Pati kasi yung bag ko nilagyan na." Sabi niya sabay tumawa ng mahina. Natahimik naman kaming lahat nang banggitin ni Caleb ang pangalan ni Hannah.

"Kailangan na nating matulog malayo pa ang lalakbayin natin bukas!" Sabi ni Winter tapos pumasok na sa tent niya.

"Oo nga! Kailangan nating matulog!" Wika ni Caleb tapos pumasok na rin sa tent niya, sumunod naman si Queen.

Kahit hindi naman nila sabihin makikita pa rin na namimiss nila si Hannah. Lahat kami namimiss siya. I just let out a loud sigh.

"Bakit hindi ka pa matulog?" Tanong ni Zach tapos umupo sa tabi ko.

"Hindi pa ako inaantok." Simple kong sagot. Napatingin naman ako sa bituin na nasa langit.

"Bakit ang mga bituin sa gabi lang nagpapakita? Bakit nasa dilim lang sila palagi?" Wala sa sarili kong tanong.

"Ang buhay natin parang langit minsan nagtatago tayo sa liwanag para lang itago lahat ng kahinaan natin katulad ng mga bituin. Pero pagdumating na ang napakadilim na oras doon tayo lumiliwanag, doon mo lang matutuklasan na ikaw lang pala ang magliliwanag sa buhay mo." Sagot ni Zach tapos tumayo ito sa pagkakaupo.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Maglalakad lang ako... matulog kana malayo pa ang lalakbayin natin bukas." Sabi niya tapos naglakad na papalayo.

Tinignan ko lang siyang maglakad papalayo hanggang hindi ko na siya makita.

-Third Person's POV-

Sa napakatahimik na lugar tanging mga insekto lang sa paligid ang maririnig. Sa isang madilim na bahagi nagtatago ang dalawang matang nakabantay. Napahinto nalamang si Zach sa paglalakad.

"Alam kung nandito ka! Jenny!" Mula sa dilim nagpakita ang babaeng kanina pa nanonood sa mga kilos niya.

"Pano mo nalaman-" hindi na pinatapos ni Zach na magsalita si Jenny.

"Ikaw ang pumatay kay Hannah!" Sigaw ni Zach. Halata sa boses nito ang kanyang galit.

"Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung dati pa pinatay mo na si Violet!" Sumbat niya akin. Sa pagkakataong ito hindi nagsalita si Zach.

"Simple lang naman yon kuya! Buhay ni Violet kapalit ng buhay ko! Pero bakit hindi mo magawa?"
"Bakit hindi mo siya mapatay? Ano ba ang meron sa kanya? Ganon ba siya kahalaga kaysa sa akin?" Ito ang mga tanong na hindi masasagot ni Zach.

"Ano hindi mo masagot ang tanong ko? Patawad kuya pero gagawin ko ang dati mo pa sanang ginawa." Muling naglaho sa dilim si Jenny habang si Zach naiwan lang doon.

Kinabukasan lahat sila ay naghanda na sa muling paglalakbay.

"Good morning!" Bungad ni Queen.

"Ang tagal mo kamong gumising! Anong oras na oh..." Sabi ni Winter habang inaayos ang mga tent.

"Bakit hindi niyo ako ginising!" Sagot ni Queen dito. Kaagad binato ni Winter si Queen.

"Hindi mo kami katulong noh! Ikaw nalang ang hindi pa na nag-aayos ng mga gamit, gusto mo bang iwan ka namin ah?" Naiinis na wika ni Winter.

"Psh!" Yan lang ang lumabas sa bibig ni Queen. Dumating naman si Violet na may dalang mga tubig.

"Okay na ang lahat! May tubig na at pagkain." Sabi ni Caleb.

"Si Zach? Kanina ko pa siya hindi makita ah.." Wika ni Winter. Nagkibit-balikat nalang si Violet.

Pumunta naman tayo sa kabilang dako kung saan ang kadiliman ay naninirahan.

"Ako na ang tatapos kay Violet!" Galit na wika ni Jenny.

"Hindi na kailangan dahil may tao na akong inatasan para diyan." Sagot naman ng Dark Queen. Bakas sa mukha ng Dark Queen ang masasama nitong plano.

"At sino naman ito? Si kuya? Hindi niya magagawa ang iuutos mo." Sabi ni Jenny.

"Pero magagawa na niya..."-Dark Queen.

"Ahhh!" Napasigaw nalang sa sakit si Jenny nang maramdaman niyang isa-isang dumadaloy sa kanya ang kapangyarihan ng Dark Queen.

"Tignan natin kung hindi pa magawa ni Zach ang inuutos ko."

"Ahhhhh!" Tila nanlambot ang mga paa ni Jenny dahilan para siya ay mapaluhod. Ramdam niya ang pagdaloy ng nakakalason na kapangyarihan sa kanyang kayawan.Unti-unti nitong kinukuha ang lakas niya.

"Sa mga oras na ito makakatanggap si Zach ng sulat sa akin. Siya nalang ang magpapasya kung gagawin niya ang utos ko"

"Buhay mo o ang Dragon Princess."

"Zach!" Sigaw ni Violet habang tumatakbo patungo kay Zach. Kaagad namang tinago ng binata ang papel na nasa kanyang kamay.

"Aalis na tayo! Ano yang tinatago mo?" Tanong ni Violet. Hindi na sumagot si Zach at nauna na sa paglalakad. Kumunot naman ang noo ni Violet tila nagtataka pero sumunod nalang ito.

Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, maraming mga sekreto ang mabubunyag, mga bagay na handa nang matuklasan.

Ang kanilang pagkikita ay nakahanda na....

****************

Thank you sa mga readers na naghintay sa update ko💖 I hope you enjoy this chapter😊

God bless!




The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now