Chapter 20

4.5K 142 10
                                    

-Violet's POV-

"Napakaganda ng ating anak." Wika ng isang lalake habang karga-karga ang isang bata.

"Sana lumaki kang may busilak na puso, mapagmahal at matapang." Wika ng isang babae. Hindi ko masyadong nakita ang mukha nila pero yung batang karga-karga ng lalake parang nakita ko na.

Pamilyar sa'kin ang batang 'yon, hindi ko lang talaga matandaan kung sino siya o kung saan ko siya nakita.

"Palagi mong tatandaan nandito lang kami at gagabayan ka." Sabi nung babae. Yung babae nakita ko rin siya noon! Sino ba sila? Bakit hindi ko sila matandaan?

Ilang minuto ko silang pinagmasdan at sa isang idlap bigla akong hinigop ng kung anong pwersa at dinala sa ibang lugar.

"Palagi mo sanang dalhin ang mga pangaral ko. Kahit hindi kita masasamahan sa paglaki mo palagi kitang babantayan. Mahal na mahal kita, anak." Parang nadudurog ang puso ko. Iyak lang ako nang iyak parang may kung anong dumudurog sa puso ko.

Hindi ko man makita ang mukha nung babae ramdam ko naman ang lungkot niya. Sino ka ba? Bakit ba ako nakakaramdam ng lungkot?

Bakit?!

Pagbukas ko sa mata isang liwanag ang sumalubong sa'kin.
Isang panaginip lang pala para kasing totoo lahat ng mga iyon. Agad kong pinahid ang mga luha ko, bakit ba ako umiiyak? Bumangon na ako sa kama at nagbihis na. Pagkatapos kong mag-ayos umalis na ako papunta sa class ko.

Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Caleb.

"Violet, mabuti naman at naabutan kita pinapatawag ka pala sa office." Sabi niya.

"Okay." -ako. Pagkatapos nun ay umalis na siya. Bakit kaya ako pinapatawag ng office? Wala na akong inaksayang oras at pumunta na sa Headmaster's office.

Pagdating ko wala naman si Headmaster Fernando, isang babae lang ang sumalubong sa'kin.

"Miss Alfonzo, pakihintay nalang po si Headmaster Fernando." Sabi niya, tumango lang ako.

"Please wait for a while, mala-late nang ilang minutes si Headmaster." She said, "Para hindi ka ma-bored pwede kang maglibot-libot dito. Maiwan muna kita."

Ilang minuto din akong naghintay doon. Ang tagal naman dumating ni Headmaster Fernando. Dahil na bored na ako nagikot-ikot nalang ako, ang laki kasi ng office ni Headmaster Fernando.

Tumingin- tingin lang ako sa mga pictures na nakasabit sa wall. Yung ibang picture ay kuha pa si Charm East University kasama si Headmistress Diana. Sa pagtingin sa mga pictures isang box naman ang nalaglag ko.

Hala! Dali - dali kong pinulot yung laman ng box tapos nilapag na ito, aalis na sana ako nang may isang picture ang nakaagaw ng pansin ko. May isang babae at lalake, yung babae may dalang bata. Parang pamilyar ang mukha nila, saan ko ba sila nakita? Kukunin ko na sana yung picture..

"Miss Alfonzo, pasensya na sa paghihintay." - Headmaster Fernando.

"Okay lang po." Sabi ko tapos umupo na.

"Pinatawag kita ngayon dahil may gusto akong malaman." Wika ni Headmaster Fernando.

"Tungkol ito sa nangyari sa Charm East University. May nasabi ba sa'yo si Jervana noong naglaban kayo?" Tanong ni Headmaster. Huh?

"Tungkol saan po?" Tanong ko.

"May gustong kunin sa iyo ang Dark Queen,alam mo ba kung ano ito?" May nasabi nga si Jervana na may gusto silang kunin sa'kin pero hindi ko alam kung ano yon.

"Iyon din po ang gusto kong malaman, Headmaster Fernando. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pakay nila sa'kin." -ako, "Bakit po pala ninyo natanong?"

"Nakatanggap kami ng sulat galing sa alagad ng Dark Queen. Gusto ng Dark Queen na magdiklara ng War." Sabi ni Headmaster Fernando.

"Poh?!" Ano ba ang gusto ng Dark Queen?!

"Naganap na ang kinakatakutan nating lahat. Ang pag-ulit nang kasaysayan, wala na kaming magagawa ngayon."

Natatakot ako sa mga nangyayari maraming tao na ang madadamay. Kailan ba matatapos ang lahat ng mga ito?

"Maraming salamat sa oras mo, Violet." Sabi ni Headmaster Fernando. Pagkatapos nang pag-uusap namin pumunta na ako sa class ko.

Pagdating ko sa classroom wala pang masyadong estudyante. Dumiritso na ako sa upuan ko at doon naman ako nilapitan ni Caleb.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Headmaster kanina?" Tanong niya. Napa-sigh nalang ako.

"Lalim ng problema natin ha, so anong nangyari?"

*******

Sinabi ko lahat ng problema ko at mga nangayari sa buhay ko.

"Ang dami mo namang problema sa buhay una yung tungkol sa tita mo at ngayon naman ay tungkol sa Dark Queen." Wika niya.

"Pero wala ka ba talagang clue kung sino ang magulang mo or may nasabi ba ang tita tungkol sa magulang mo?"

"Wala siyang nasabi tungkol sa magulang ko, ang huling binitwang salita niya ay ang pangalang Jane." -ako.

"Ayon na ang clue mo para mahanap ang tunay mong magulang!" Sabi niya. Ano daw?

"Huh? Paano naman?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala mo yung office ng Magic Council, doon mo mahahanap ang tunay mong magulang." Tama nandoon ang information ng mga batang ipinapanganak. Doon ko lang mahahanap ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.

"May kunti lang tayong problema hindi pwedeng pumasok ang mga students doon, mga magic councilors lang ang pwede." Paliwanag niya.

"Malaki ngang problema." Napa-sigh nalang ako. Paano ba naman?

"Makakapasok ka lang siguro doon pagwala ng tao at 12 midnight na." Sabi niya.

Tama!

"Ang talino mo Caleb! Makakapasok lang ako doon pagwala ng tao. Sneak in kung tawagin." Sabi ko.

"Hoy, anong pinaplano mo?! Joke ko lang yon hindi ko naman sinabi na gawin mo." Sabi niya.

"Maraming salamat sa idea mo, Caleb!" Sabi ko tapos nag-smile.

"Nakakatakot yang smile mo! Wag mong gagawin yon!" Sabi niya, "Violet!"

"Okay na! Hindi ko gagawin yon! Promise!" Sabi ko.

"Promise iyan ha. Sige balik na ako sa seat ko, parating na siguro si professor." Tumango nalang ako.

Hindi ko alam kung matutupad ko ba yung pangako ko. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang magulang ko. Pasensya na Caleb.

-Third Person's POV-

Sa mundo ng kadiliman nagdiriwang na ang mga alagad ng Dark Queen sa magaganap na digmaan. Wala nang makakapigil sa kanila.

"Mahal na reyna, napadala ko na po ang sulat at sigurado ako lahat sila ay nababahala na." -Jervana.

"Mabuti!" Wika ng Dark Queen.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan pa ninyong magdiklara ng War, kung pwede naman nating lusubin si Violet dahil nasa teritoryo natin siya."

"Gusto ko si Violet mismo ang pupunta dito at magmamakaawa. Nararamdaman ko na malapit na silang bumagsak."

Malapit na ang pagtatagpo nila, ang pinakahihintay ng lahat. Dark Queen laban sa Dragon Princess. Lahat ng tanong ay masasagot na at mga bagay na gugulat sa inyong lahat.

Malapit na...

*******************

Hello! Nakapag-update kaagad ako ngayon. Maraming salamat sa mga taong nag-vote at nag-comment. Thank you! So, ilang chaps nalang malapit na ang laban na pinakahihintay ng lahat. So, comment nalang po kayo.

Vote, Comment, and God bless!





The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now