Chapter 37

2.1K 42 7
                                    


"Sisigiraduhin ko ikaw na mismo ang maghahanap sa'kin. At sa pagkakataong ito, matatapos na rin ang lahat."

*********

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang naglalakad sa may garden. Ngayon nakapagdesisyon na akong gawin ang nararapat. Kailangan kong magsakripisyo kahit masakit kakayanin ko. Saglit akong huminto at pinagmasdan ang araw na malapit nang lumubog.  Hindi ko maiwasang itulad ang buhay ko dito. Unti-unti na akong mawawala pero kasabay non ay pagsikat ng bagong pag-asa.

Minsan hindi ko maiwasang itanong. Bakit kailangan maging ganito pa ang lahat? Sana ordinaryong tao nalang ako nang makilala ko silang lahat para hindi na ganito ang sitwasyon. Masakit sa'kin iwan sila pero alam ko namang para sa kanila 'yon, dahil kapalit ng kaligtasan nila ay ang buhay ko. Napakaraming tao nang nawala dahil sa'kin ayoko nang may mawala na naman.

I looked at the hopeless orange sky. The wind rush towards me giving this lonely feeling.  Marahan kong ipinkit ang aking mga mata at isa-isang inaalala ang mga masasayang nangyari sa buhay ko.

The image of Headmistress Diana, Zach, Winter, Caleb, Queen and many others flashed in my mind. Papaano ko ba iiwan ang mga taong naging mahalaga sa'kin? Mga taong minahal na ako at itunuring na pamilya.

Habang nakapikit ako naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ang mainit sa likodo sa aking mata. Wala na ba talagang pag-asa? Marami pa akong pangarap at gustong gawin kasama sila pero sa tingin ko hindi na mangyayari iyon.

I hope they will be happy without me. Aking binuksan ang aking mata at bumungad sa'kin ang isang lalake, si Haring Arkon.

Kaagad kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng aking kamay at isang ngiti ang sinalubong ko sa kanya.

"Huwag mo nang itago alam ko naman." Wika nito. Unti-unting nawala ang ngiting nakaukit sa labi ko. Napaupo nalang ako sa may damuhan at tinignan ang aking mga paa.

Kahit anong gawin kong pagngiti hindi pa rin matatago ang kalungkutan na nararamdaman ko.

"Maari ba akong tumabi sa'yo?" tanong ni Haring Arkon. Tumango lang ako bilang sagot.

"May bumabagabag ba sa'yo, Violet." tanong nito.

"Paano niyo pa nakayanan ang pagkawala ng asawa niyo?"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Haring Arkon at tumingin sa malayo.

"Mahirap para sa'kin mawala si Zarah pati na rin ang anak namin. Nakikita mo 'yon." wika nito at tinuro ang papalubog na araw.

"Parang katulad lang ng dapit-hapon nawala lahat ng pag-asa ko sa buhay, at kasabay noon ang gabi na palagi akong nagluluksa." Isang mapait na ngiti ang nasilayan ko sa mukha ni Haring Arkon

"Napakatapang ninyo para makayanan ang lahat ng mga nangyari sa buhay niyo." sabi ko.

"Pero masmatapang si Zarah dahil nakayanan niyang isakripisyo ang buhay niya kahit na alam niyang iiwan niya kami."

"Napakatapang niya isang bagay na wala ako ay pagiging matapang." wika ko.

Hindi ko maiwasang maisip kung ano ang mangyayari sa kanila pagnawala ako. Pero anong magagawa ko?

"Matapang ka Violet. Sa totoo lang nakikita ko sa'yo si Zarah hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko ang mga katangian niya sa'yo. Ang tapang niya at determinasyon nakikita ko iyon sa mga mata. Kung buhay ang anak ko sigurado ako katulad mo siya."

Sana nga ako nalang ang anak ni Haring Arkon. Pero hindi iyon mangyayari. Hindi ko nga alam kung sino ang tunay kong magulang at hindi ko na malalaman iyon.

The Dragon Princess (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon