Chapter 12

5.3K 193 0
                                    

-Violet's POV-

Maaga kaming nagising para mas maaga kaming makarating sa lugar na pupuntahan namin. Eto ako nagi-impake ng mga gamit ko at mga pagkain para sa paglalakbay namin. 

Pagkatapos naming mag-impake nagpaalam na kami kay Samara.

"Maraming Salamat talaga!" Sabi ni Winter.

"Thank you!" Sigaw ni Hannah. Pinanuod lang kami ni Samara na makaalis. Nagsimula na kaming maglakabay, marami rin kaming naakyat na mga bundok. Nakakapagod!

"Magpahinga muna tayo." Sabi ni Hannah, mukhang hihimatayin na siya. Umupo muna kami sa ilalim ng puno, kanina pa kaya kami lakad nang lakad.

"Malayo pa ba tayo?" Tanong ni Queen tapos umupo siya sa tabi ni Winter. lahat kami pagod na pagod na except kay Zach.

"Malapit na tayo!" Sabi ni Zach. Hindi ba napapagod itong lalaking 'to?!

"Ugh.. kanina mo pa yan sinasabi!" Reklamo ni Queen. Tiningnan naman ni Zach yung mapa niya.

"Marunong ka bang magbasa ng mapa, Zach?!" Tanong ni Winter. Sinamaan lang ni Zach nang tingin si Winter. Nagtawanan nalang kaming lahat.  Nakakatuwa talaga 'tong mga kasama ko kahit na pagod na kami nakuha pa nilang  tumawa.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at sa wakas nakarating na kami sa bahay ni Alli. Isang lumang bahay ang nakita namin, lumang - luma na yung bahay parang haunted house na.

"Ito ba yung bahay ni Alli?" Tanong ni Hannah tapos nagtago sa likod ni Winter.

"Oo?" Sagot ni Winter na parang patanong na, "This place is creepy! "

"Wag nalang tayong pumasok nakakatakot yung bahay eh." Sambit ni Queen.

"Tsk. Nandito na tayo!" Inis na pagkasabi ni Zach. Kumatok na kami sa bahay, ilang beses rin kaming kumatok. Bakit wala pa rin sumasagot?

"May tao ba dito?!" -Ako.

"Tao po!" Sigaw ni Hannah. Bumukas yung pintuan, isang matandang babae yung bumungad samin.

"Magadang araw po, kayo po ba si Alli?" Tanong ni Winter.

"Ako nga! Anong kailanga-" natigilan si Alli nang makita niya ako parang gulat na gulat siya.

"Ikaw!" Sabi niya tapos tinuro ako, kilala ba niya ako? Imposible naman hindi ko nga siya kilala eh. At ngayon ko lang siya nakita.

"Ako po?!" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Ah wala naman tuloy kayong lahat." Sabi niya, weird! Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Bakit kaya?

"Ano pala ang pakay ninyo sa akin?" Tanong niya. Binigay naman ni Queen yung sulat.

"Pinabibigay po yan ni Headmistress Diana." -Queen.

-Alli's POV-

Nagulat ako sa nakita ko kanina, buhay pa siya? Ilang taon na ang nakakaraan akala ko hindi ko na siya makikita. May bininigay silang sulat na akin galing kay Diana. Ano kayang pakay niya sa akin? Binasa ko na yung sulat:

Alli, kamusta ka na? May mahalaga akong pakay sa'yo. Tungkol ito sa Dragon Princess, nakita ko na ang pangalawang propesiya. Si Violet ang Dragon Princess, ang problema lang naming lahat ay ang Dark Queen. May gusto siyang kunin kay Violet, hindi ko pa alam kung ano ang bagay na 'yon. Kailangan namin ang tulong mo, makakaasa ba kami sayo Alli?

                                                    
                                                          -Diana

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now