Chapter 9

6.6K 223 4
                                    

-Violet's POV-

Wala kami ngayong pasok dahil sa camping namin. Nandito kami sa dorm naghahanda ng mga gamit namin para sa camping.

"Tapos na ba kayong mag-impake? Kanina pa ako naghihintay sa inyong dalawa!" Reklamo ni Winter. Tapos na akong mag-impake, si Hannah nalang ang hinihintay kong matapos mag-impake.

Pagkatapos naming mag-impake pumunta na kami sa open field, doon daw kami maghihintay. Pagdating namin doon wala pang mga estudyante.

"Ilang araw daw tayong magkaka-camping?" Tanong ko kay Winter sabay lapag sa mga gamit ko.

"Tatlong araw daw." Winter answered. Tiningnan nalang namin si Hannah habang dinadala ang bag niya.

"Tulong naman oh! Ang bigat ng bag ko!" Hannah holler. Winter and I chuckled.

"Mabigat talaga yan dahil ang daming mong dinalang pagkain. Halos maubos ang pagkain sa cafeteria dahil sa 'yo!" Winter replied.

Ilang oras din kaming naghintay. Marami na ring estudyante ang nagsidatingan sa open field, dumating na rin ang ibang pang mga professor.

"Okay, students! Kailangan ninyong bumuo nang grupo, dapat may limang members sa bawat grupo!" Paliwanag ni Preceptor Miranda.

Naghanap kami ng dalawang pang members para mabuo ang group namin. Lahat ng students na nakabuo na ng grupo, kami nalang ang hindi. Mabuti nalang nakita ko si Zach, sinali nalang namin si Zach sa group namin. Kulang nalang ng isa.

"Miss Queen, gusto mo bang sumali sa group nila?!" Tanong ni Preceptor Miranda sabay turo sa amin.

"Great!" Sarcastic na pagkasabi ni Winter, and rolled her eyes.

"Okay may five members na tayo!" Sabi ni Hannah.

Pumunta na kami sa lugar kung saan kami magka-camping. Habang naglalakbay pa kami may naramdaman akong kakaiba, hindi ko alam kung ano pero nararamdaman ko may mangyayaring masama.

"Nakakapagod na!" Reklamo ni Queen. Winter snorted. "Madali ka lang talagang mapagod dahil sanay kang sumakay sa magagarang sasakyan!" Queen just gave her a death glare.

"Pwede bang hintayin niyo munang makarating tayo doon sa camping place natin bago kayo mag-away!" Sarcastic na pagkasabi ni Hannah. Nakakapagod na talaga! Hindi ko na kaya ang bigat bigat pa nang bag na dala ko.

"Pagod ka na?" Zach asked, I just shrugged. Nabigla ako nang kunin ni Zach yung bag ko at nagpatuloy nang maglakad. Sinundan ko lang siya nang tingin habang naglalakad, ano kayang nakain ni Zach bakit ang bait niya ngayon?

Pagdating namin sa camping place, lahat kami naglatag na ng tent. Pagkatapos nag-ayos na kami ng mga gamit namin.

"Sino ang gagawa ng bonfire? Kailangan natin ng bonfire bago pa magdilim." -Queen.

"Paano ka naman gagawa ng bonfire kung walang kahoy?!" Inis na pagkasabi ni Winter. Nag whatever nalang si Queen tapos nagpatuloy sa ginagawa niya. Hangang dito nag-aaway pa rin sila! Ano ba talagang problema nila?!

"Ako nalang ang kukuha ng kahoy." I said. Lalabas na sana ako nang pinigilan ako ni Zach.

"Sasamahan na kita!" Sabi niya. Napaubo si Hannah tapos ngumiti ng parang clown.

" 'Wag nalang! Kaya ko naman mag-isa." Sabi ko, ayoko kong maabala si Zach at baka ano pa ang isipin nitong si Hannah, kanina pa kasi siya nakasmile yung pang clown na smile.

"Hindi mo kabisado ang lugar dito! Kaya 'wag matigas ang ulo." Wala na akong magawa kundi sundin siya. Pumunta na kami sa may gubat. Madami rin kaming nakuhang mga kahoy.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now