Chapter 11

6.3K 177 3
                                    

-Violet's POV-

Tatlong araw na ang nakakalipas, noong naganap yung aksidenti. Mabuti naman ang kalagayan ko. Nandito kami ngayon sa office ni Headmistress Diana, may meeting daw kami. Habang naghihintay kami bigla nalang bumukas yung pintuan. Si Queen at Zach lang pala ang pumasok, anong ginagawa nilang dalawa dito?

"Anong ginagawa ninyong dalawa dito?" Tanong ni Winter. Umupo na silang dalawa.

"Pinatawag kami ni Headmistress Diana." Sagot ni Queen. Pinatawag rin pala sila. Tumingin naman ako kay Zach, wala namang emosyon yung mukha niya. Pagdating ni Headmistress Diana agad na kaming nagsimula.

"Pinatawag ko kayong lima dahil may ipapagawa kami sa inyong mission." Sabi nI Headmistress Diana.

Mission?! Bakit naman ako nasali sa mga ganyan na bagay? Wala nga akong kaalam- alam sa mundong kinagagalawan ko, tapos isasali pa ako sa mga mission na yan.

"Tungkol saan po ba ang mission?" Tanong ko. Ganito ba talaga sa University na ito? Nagpapadala sila nang students para sa isang mission!

"Alam kong nagtataka kung bakit ka na napasama sa mga ganitong bagay. May kinalaman ka sa mission na ito, Violet." Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Headmistress Diana, kalmado lang naman si Headmistress Diana.

"Umatake na ang mga Dark creatures sa lungsod nang Cara, at sigurado ako na ang susunod nilang aatakehin ay ang lungsod ng Zer." Paliwanag niya. Umatake na ang mga alagad nang Dark Queen. Nag-iba na ang timpla ng mukha ng kasama ko, parang napalitan na ng pagkainis at galit.

"Sa lungsod ng Zer may matandang na nakitara na nagngangalang Alli. Siya ang sunod na puntirya nang Dark Queen, kailangan ninyong makausap si Alli at ibagay ang sulat na ito." Inabot naman ni Headmistress kay Queen ang isang papel,

"Kailangan ninyong unahan ang mga alagad ng Dark Queen sa pagkuha kay Alli." Bilin ni Headmistress Diana, tumango naman kaming lahat. Nagpaalam na kami kay Headmistress Diana tapos umalis na. Habang naglalakad kami sa hallway, hindi ko maiwasan mapaisip.

Ano bang meron  kay Alli? Bakit siya gustong makuha ng Dark Queen?

Pagdating namin sa dorm, kumuha na kami ng gamit namin para sa paglalakbay namin.

"Nakapunta na ba kayo sa mga mission noon?" Tanong ko kay Hannah, sabay lagay sa mga gamit sa bag ko.

"Oo, pang 10th time na namin 'to." Sagot ni Hannah. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Hannah, 10th time na sila pumupunta sa mga mission? Wow lang talaga!

"Parang  bumalik yung dati!" Sabi ni Hannah.

"Ano?" Tanong ko. Hindi na nakasagot si Hannah dahil tinawag na kami ni Winter. Pumunta na kami sa labas nang dorm.

Nasa tapat na kami ng gate, sa labas may karwahe na naghihintay sa amin. Sumakay na kaming lahat sa karwahe, pinagmasdan ko lang ang unti-unti naming paglayo sa university.

"Gisingin niyo nalang ako pagmalapit na tayo sa lugar." Sabi ni Queen, tapos natulog na siya. Tahimik lang ang buong byahe. Habang busy yung iba sa ginagawa nila napatingin ako kay Zach napatingin din siya sa akin. Nagkatinginan kami nang ilang minuto pero umiwas rin naman siya.

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin, tuwing makakausap ko si Zach bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko!

May gusto ka na kay Zach!

No! Nababaliw na siguro ako, kasi ang isip ko sinasabihan ako.

"Hindi pwede!" Sabi ko, sabay hampas sa noo ko. Napatingin silang lahat sa akin.

"Anong nangyayari sa 'yo?" Tanong ni Queen.

Nakakahiya ka naman Violet?

"Wala!" Sabi ko, bumalik na sila sa mga ginagawa nila. Natulog nalang ako mahaba pa naman ang byahe.

-Third Person-

"May balita na ba kayo kay Violet?" Tanong nang Dark Queen sa kanyang alagad, habang hawak -  hawak ang isang krystal na bola.

"Meron po, mahal na reyna, papunta na po si Violet at iba pa niyang kasamahan sa lungsod nang Zer, para kunin si Alli." Sabi ng kanyang alaga, tumawa lang ang Dark Queen.

"Mga hangal! Akala nila makukuha nila si Alli! Sundan ninyo silang lima!" Utos ng Dark Queen.

"Malapit na Violet! Malapit ko na makuha ang bagay na dapat sa akin!" 

Ang araw na hinhintay nilang lahat ay magaganap na. Marami ng tao ang madadamay at masasaktan.

-Violet-

"Violet! Gising na nandito na tayo!" -Hannah

"Nandito na tayo." Sabi ni Hannah. Kinuha ko na yung gamit ko tapos bumaba na kami sa karwahe. Pagbaba ko isang wasak na lungsod ang sumalubong sa amin.

"Anong nangyari dito?" -Winter. Lahat ng bahay dito ay mga abo nalang, wala ka ng makikitang puno o halaman.

"Sino kayo!" Napalingon kami sa likuran namin, isang babae na nasa 20 plus ang edad ang nakita namin.

"Sino kayo? Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong niya ulit samin.

"Pinadala kami nang Magic Council, hindi kami masasamang tao." Sagot ni Zach. Parang hindi pa rin naniniwala yung babae.

"Sumunod kayo sa akin!" Sabi nung babae, sumunod naman kami sa kanya. Napahinto kami sa isang lumang bahay pumasok na yung babae sumunod kami sa kanya.

"Pasensya na kanina akala ko kasi na isa kayong dark charm holder." Sabi nung babae, "Ako pala si Samara."

"Ako naman  si Winter at sila naman ang kasama ko. Si Violet, Hannah, Queen at Zach." Pagpapakilala ni Winter sa amin sabay turo sa bawat isa sa amin.

"Ano pala ang pakay ninyo dito?" Tanong ni Samara.

"May hinahanap kaming isang tao ang pangalan niya ay Alli," -Hannah.

"Si Alli? Hindi na siya dito nakatira na sa bundok na iyun siya nakatira." Sabi ni Samara sabay turo doon sa bundok.

"Magaling! Pwede na tayong umalis!" Sabi ni Zach tapos tumayo siya.

"Palubog na ang araw delikado kung aalis pa kayo." Nag tsk lang si Zach. Kahit kailang talaga 'tong lalaking 'to.

"Dito nalang kayo magpalipas ng gabi." -Samara.

"Maraming Salamat!"

Pumatak na ang gabi, nandito kami ngayon kumakain. Habang kumakain kami nagkwento si Samara sa nangyari sa lungsod nila. Naaawa ako kay Samara ang laki talaga ng pinsala na nagawa nang dark creatures.

"Ako nalang ang maglilinis dito matulog nalang kayo." Sabi ni Samara, nagsimula na siyang maglinis. Nag thank you naman kami sa kanya, ang bait talaga niya sa amin. 

Pumunta na silang apat sa mga kwarto nila, ako naman lumabas muna gusto ko kasi magpahangin.

Ang ganda talaga ng mga stars. Nakaupo  lang ako sa may damuhan habang nakatingin sa langit.

"Kamusta na kayo diyan, Mama?" Bulong ko, miss na miss ko na talaga sila mama at papa. Napatingin nalang ako sa right side ko ng may tumabi sa akin. Si Zach

"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong niya.

"Nagpapahangin lang, ikaw?"

"Ganon din." Matipid niyang sagot. Nakatingin lang kaming dalawa sa langit.

"Tara na." Sabi niya tapos tumayo, tumango nalang ako tapos pumasok na sa loob. Pumunta na ako sa kwarto at natulog, we have a big day tomorrow.

**********************

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now