Chapter 39

1.8K 34 3
                                    


Alam kong naging tama ang naging desisyun ko. Umalis ako kahit na masakit para sa'kin na iwanan sila. Pagkatapos kong malaman ang lahat kay Karmen hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit mapaglaro ang tadhana.

Tumingala nalang ako sa langit pinagmamasdan ko ang unti-unti nitong pagliwanag. Malapit na ring sumikat ang araw nang makaalis ako. Kamusta na kaya sila doon? I hope they are fine knowing that I am gone.

Sana mapatawad nila akong lahat lalo na si Zach. Tumigil ako mula sa aking paglalakad at tinignan ang makitid na daraanan. Pinipilit ko ang sarili kong makakita mula sa makapal na hamog. It takes few minutes bago unti-unting nawala ang hamog.

Isang tanawin ang umagaw ng pansin ko. Isang napakalawak na kulay berdeng  kalupaan. Makikita mo rito ang mga magagandang halaman kung saan sumasabay sa hangin.

Ilang lakad nalang ay makakarating na rin ako doon. Aking itinoon ang kulay brown na papel sa aking kamay. Ito ang sulat na nakita ko sa gamit ni Jenny nang pumunta ako sa puntod niya.

Alam kong ikaw na mismo ang lalapit sa 'kin Violet. Bago ang  paglaho ng buwan kailangan nandito kana. Maghihintay ako para sa ating pagtutuos.

-Dark Queen

Isang araw nalang ang natitira para sa akin. Nakikita ko na ang unti-unting paglalaho ng malaking buwan. Hindi dapat ako mabigo dahil nakasalalay lahat ng buhay nila sa misyon ko.


Muli kong itinuon ang aking tingin sa aking dinaraanan. Sikat na ang araw at sa tingin ko malapit na ako sa sinasabi ni Karmen na Secret Cave. Kung saan nagtatago ang Dark Queen.

Habang naglalakad ako bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo. Umiikot ang paligid ko at lahat ng makita ko ay malabo. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang nawawalan ako ng lakas.

Huli na nang bumagsak ako sa may damuhan. Mula sa malayo nakakita ako ng dalawang tao na papalapit sa'kin.

"Ihja, ayos ka lang ba?"

Bago ako lamunin ng dilim ay narinig ko pa ang mga boses nilang nag-aalala. Hangggang sa unti-unti nang bumigay ang aking mga mata.















"Ayos lang kaya siya?" wika ng isang babae. Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mata at nasilayan ang isang babae. Sa tingin ko ay nasa edad 40 ito pataas, may  mahabang kulot na buhok at kulay
kayumangging mga mata.

"Sa tingin ko nagkakamalay na siya!" saad naman ng isa pang lalake na sa tingin ko ay kasing edad lang din ng babae.

Kaagad akong bumangon habang hawak- hawak ang ulo ko. Bakit ang sakit ng nararamdaman ko parang nawala lahat ng lakas ko. Ito na ang pangalawang beses na naramdaman ko ang ganito.

Iyong una ay pagkatapos kong matawag ang Green Dragon at ito ngayon.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong muli ng babae. Tumango lang ako bilang pagsagot. Inabot niya sa'kin ang isang basong tubig.

"Maraming salamat." saad ko. Napangiti lang siya habang nakaupo sa isang upuan. Inilibot ko ang tingin ko sa aking paligid at kakaibang silid ang tanging nakikita ko.

"Nasaan ako?" tanong ko sa kanila.

"Nandito ka sa bahay namin. Nagulat nalang nga kami nang makita ka namin mawalan ng malay. Ano palang pangalan mo?" tanong nung lalake.

Napatingin nalang ako doon sa lalake habang iniisip kung anong isasagot ko.

"Jane." sagot ko sa lalake.

"Ako naman si Nanay Esmeralda at ito ang asawa kong si Oscar." pagpapakilala nung babaeng nagngagalang Esmeralda. Ngumiti lang ako bilang ganti. Anong oras na ba? Kailangan ko nang umalis. Sinubukan kong tumayo pero muntikan na akong matumba.

"Saglit lang mahina ka pa, Jane, masmabuti na magpahinga ka muna." nag-aalalang sabi ni Esmeralda at inalalayan ako. Umiling ako. Hindi dapat ako mag-aksaya ng oras kailangan ko nang puntahan ang Dark Queen.

"Kailangan ko na pong umalis."

"Pero mahina ka pa hindi mo kakayaning maglakad." saad ni Oscar.

Sa huli wala rin akong nagawa kundi mahiga nalang. Inasikaso lang ako nila Nanay Esmeralda at Tatay Oscar buong araw. Nagpasalamat nalang ako sa pag-aalaga nila sakin.

Tumayo ako sa kama ko at dumungaw sa bintana. Madilim na ang langit at nakikita ko na ang mga bituin sa labas. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito naalala ko lang sila.

"Patawad dahil kailangan ko kayong iwan." bulong ko. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan na umagos ang luha ko.  Patawad dahil iniwan ko kayo ng walang pasabi. Patawad...

Muli kong ibinuka ang mga mata ko at doon ko nakita ang malaking buwan na malapit nang maglaho. Naalala ko ang sinabi ng Dark Queen sa'kin.

"Sa paglalaho ng buwan." Kaagad kong kinuha ang gamit ko at sinuot ang cloak ko. Hindi na dapat ako nag-aksaya ng panahon. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas kung nandito pa sina Nanay Esmeralda at Tatay Oscar.

Nang wala akong makitang tao ay kaagad na akong lumabas ng bahay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang lisanin ang lugar. Pero saglit akong napahinto at napatingin sa likod.

"Maraming salamat sa lahat Nay Esme at Tay Oscar."  bulong ko at tuluyan nang naglakad papalayo.

Muli akong tumingin sa malaking buwan at doon sa malaking bundok sa di kalayuan. Ang saad dito sa sulat sa Secret Cave kami magkikita ng Dark Queen. Baka nandoon ang tinutukoy niyang secret cave.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ko nang may mapansin akong tao mula sa dilim.

"Sino yan?" Inilibot ko ang paningin ko at doon ko nakita ang isang lalake na nakasuot ng itim na cloak.

"Nandito ako para sunduin ka Dragon Princess." sabi niya at inatake ako pero mabuti nalang at naka-iwas ako. Sino ba siya at bakit niya ko inatake?

Papalabasin ko na sana ang Earth Dragon ko nang maramdaman ko na unti-unting bumibigat ang pakiramdam ko. Napatingin nalang ako sa braso ko at doon ko nakita ang karayom na nakabaon sakin.

Hindi ko man naramdaman o nakita ito kanina. I slowly walked. Ilang beses akong kumurap-kurap para linawin ang paningin ko.

Sa unti-unting paglamon sakin ng dilim ang tangi ko nalang naalala ay ang pagbuhat sakin nung lalakeng naka-itim.

********************

Happy Valentine to all of you Guyss. So, sino nakatanggap ng mga choco at mahal na rosas kahapon? Malapit na tayo sa ending. I wanna thank all of you for giving this story a chance. Happy Reading and God bless🙂🙂🙂



The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now