Chapter 26

3.3K 100 11
                                    

Happy 50k reads🎉 Thank you talaga sa mga readers ng TDP. Thank for all your support and love! Happy Reading😊

-Violet's POV-

Nang makabalik na ako sa upuan ko lahat sila wala na doon. Umupo nalang ako habang iniisip pa rin yung sinabi ni Haring Arkon. Minsan gusto ko nalang maging normal na tao. Minsan naiisip ko kung hindi ako ang Dragon Princess, ganito pa kaya ang buhay ko?

Kung hindi ako naging Dragon Princess hindi ko makikilala ang mga taong naging kaibigan ko na. Ang hirap talaga ng buhay ko. 

Nakaupo lang ako sa table habang hinihintay yung iba, nasaan na ba sila? Ilang minuto na ako nandito pero hindi pa rin sila dumadating. Nag- announce yung MC na magsasayawan na at doon ko nakita sila Hannah, Winter, Queen at Caleb nagsasayawan.

Hindi man lang nila ako niyaya kakaiba talaga sila. Pumunta nalang ako sa labas sa isang garden. Umupo ako sa isang bench na katabi ng isang puno. Tumingala ako sa langit.Napakaganda ng bituin! Habang pinagmamasdan ko ang mga ito naalala ko ang magulang ko.

"Mama, Papa! Kamusta na kayo?" Bulong ko sa hangin habang nakapikit ang mata ko. Nagulat naman ako nang may biglang  nagsalita.

"Ang ganda ng mga bituin, noh?" Napatingin naman ako sa puno kung saan nagmula yung boses.
Anong ginagawa niya dito? Palagi nalang siyang sumusulpot kahit saan!

"Kabote ka ba?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina nang  tinanong ko 'yon. Kainis talaga ang lalakeng 'to! Pero nakakatuwang makita siyang tumawa. Minsan lang kaya siyang tumawa.

Napansin ko yung damit niya, nakasuot siya ng tuxedo. Nahuli naman niya akong nakatingin sa kanya kaya kaagad akong umiwas.

"Bakit ka pala nandito? Wala ka bang balak pumunta sa loob?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa malayo.

"Masmaganda dito...makikita mo yung mga bituin." Sagot niya, napatango lang ako.

Huminga nalang ako ng malalim habang nakatingin pa rin sa malayo. Walang nagsasalita sa aming dalawa,nakakabingi ang ganito.

"Kamusta ka na?" Tanong niya. Tumingin naman ako sa kanya,

"Mabuti naman, ikaw?" -ako. Hindi siya sumagot tapos bumababa sa puno. Pumunta siya sa harap ko, tinignan niya ako habang nakapamulsa.

Tumingala naman ako sa kanya tapos tinaasan siya ng kilay.

"Bakit?" Tanong ko. Hindi siya sumagot, kanyang nilahad ang kanyang kamay.

Ano trip ng lalakeng 'to? Tinignan ko lang ang kamay niya. Anong meron sa kamay niya?

"Tara na! Pumasok na tayo sa loob... sigurado ako hinahanap ka na nila." Sabi niya. Tumayo ako pero hindi ko kinuha yung kamay niya. Pagtayo ko humangin nalang bigla.

May kakaiba sa hangin parang may masamang mangyayari. Kaagad tumingin si Zach sa palagid.

"Violet!" Hinawakan ni Zach ang kamay ko at hinila sa ako.Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Bumilis ang paglalakad namin nang umihip na naman ang malamig ni hangin.

"Zach, anong nangyayari?" Tanong ko. Hindi siya sumagot  maslalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Kailangan na nating magpadali... may kakaiba dito." Sabi niya. Masbinilisan ko ang paglalakad pero napahinto nalang kami nang...

"Jervana!" -Zach. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. Maslalong akong kinabahan nang magpalabas si Zach ng air at fire wolf.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now