Chapter 41

2.5K 38 0
                                    


Nagkakagulo sa isang lugar iba't ibang mukha at mga nakikita ko sa harapan ko ngayon. Mga mukhang hindi naman malinaw sakin pero ang hindi ko mapaliwanag ay kung bakit sila nakatingin sakin habang umiiyak.

"Violet." wika ng isang babae na may suot na mahabang bistida. She has a genuine smile that will surely cheer you up. Sino ba siya? Hindi ko masyadong masilayan ang mukha niya pero bakit parang nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak.

"Violet." tawag nila ulit. Tinignan ko lang ang grupo ng taong nakatingin sakin. Sino ba sila? Bakit parang kilalang-kilala nila ako?

Hindi ko alam pero tanging pag-iyak lang ang nagawa ko. Isang boses ng lalake ang narinig ko hindi ko alam kung bakit napaka pamilyar ng boses ma iyon..Unti- unti akong lumingon at doon ko nakita ang isang lalake na nakatayo mula sa malayo.

"Violet Alfonzo..."

Napabalikwas nalang ako mula sa pagkakahiga. Malalim ang bawat paghinga ko at patuloy pa rin sa pagtulo ng mga luha ko. Why? Palagi ko nalang napapanaginipan 'yon. All those faces that I see in my dream. The image was so vivid that it was almost so real. Bakit palagi ko nalang silang napapanaginipan? Bakit parang kilalang-kilala nila ako?

Hinilamos ko nalang ang dalawa kong palad sa aking mukha. Hindi ko na dapat iniisip ang panaginip na 'yon. Isang buntong hininga nalang ang pinakawalan ko bago ako bumangon at nag-ayos sa sarili.

Pagbaba ko ay agad na bumungad sa'kin ang aking ina na abala sa pagluluto. Isang masiglang ngiti ang binungad ko sa kanya.

"Magandang umaga Ma!" bati sabay halik sa kanyang pisngi.

"Magandang umaga naman sa pinakamamahal kong Jane." saad ni Mama sakin. Nakita ko naman ang pagbaba ni Papa mula sa hagdanan kaya sinalubong ko na rin siya ng isang magandang ngiti.

"Mabuti naman at gising na ang pinakamamahal kong, Oscar. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo palagi na nalang umiinom." sabi ni Mama habang ang dalawang kamay ay nasa kanyang bewang. Haysss. Ayan na naman sila.

"Hindi naman sa ganon,Esmeralda, niyaya lang naman ako kagabi at minsan nalang akong uminom." depensa naman ni Papa at niyakap si Mama.

Napapangiti nalang talaga ako pagnakikita ko ang lambingan nila Mama at Papa. Nagpapasalamat ako na kahit nawala ang ala-ala ko ay nandiyan pa rin sila.

Matagal-tagal na rin nung nawala ang ala-ala ko. Ang tanging naalala ko nalang ay ang mukha ng magulang ko na nag-aalala sakin. Kahit hindi na bumalik ang dating kong ala-ala alam ko naman mapapalitan ito ng bago.

Umupo na silang dalawa sa tabi ko at nagsimula ng kumain.

"Kamusta na pakiramdam mo, Jane?" tanong sakin ni Papa. Hayss. Kahit kailan talaga ilang beses nalang niya akong tinatanong ng ganyan.

"May naalala-" hindi ko na pinatapos si Papa sa sasabihin niya.

"Wala akong naalala pa bukod don sa kakaibang panaginip ko at okay lang po ako." katulad ng data ganito pa rin ang sagot ko sa kanila. Natahimik nalang si Papa at bumalik sa kanyang pagkain.

Isang buntong hininga nalang ako pinakawalan ko. Minsan hindi ko rin maintindihan sina Mama at Papa palagi nalang nilang tinatanong kung may naalala ba ko. Para bang may tinatago sila sakin. At nung nalaman nila yung tungkol don sa panaginip ko sinasabi nilang huwag ko nalang isipin yon.

Kaya hindi ko nalang sinasabi sakanila yung tungkol sa palaging kong napapanaginipan. That weird dream that always hunt me. For the past two years ang panaginip nalang iyon ang tanging dumadalaw sakin.

Ang mas-weird pa ay sa palagi nalang akong napapaiyak. Yung mga tao don na hindi ko matandaan at ang pagtawag nila sakin sa pangalan na

"Violet..." bulong ko at nakita kong natigilan sina Mama at Papa sa pagkain nila.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now