Chapter 16

4.6K 168 3
                                    

Dedicated po ito sa lahat! Maraming Salamat po. Thank you! Dahil sa pag-votes at pag-add ng story ko. Thank you all and Thank you God!

-Thirds Person's POV-

Sa mundo ng kadiliman lahat ng mga alagad ng Dark Queen ay naghahanda na para sa kanilang nalalapit na paglusob.

"Nakahanda na ba ang lahat?!" Tanong ni Jervana sa mga alagad niya.

"Opo!" Matipid na sagot ng kanyang alagad, umalis na ito. Pumunta naman si Jervana sa Dark Queen para kausapin ito.

"Kamahalan, handa na po ang lahat para sa ating pagluspb mamaya." Balita ni Jervana sa Dark Queen.

"Mabuti naman, si Zach handa na ba para sa ating paglusob?" Tanong nito, "Siya ang may mahalagang tungkulin sa atin."

"Opo, kamahalan!" Matipid na sagot nito. Agad nang umalis si Jervana.

"Humanda na kayong lahat, lalo ka na Violet!"

-Violet's POV-

Ito na yung araw ng group competition ang pinakahihintay namin. Halong kaba at saya ang nararamdaman ko ngayon,pero kanina pa ako hindi mapakali dito eh.

I sense danger

Ganito rin yung naramdaman ko sa camping namin noon. Ano ba itong naiisip ko?! Kabado lang siguro ako kaya ganito ang nararamdaman ko. Nabalik nalang ako sa mundo ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Violet! Tara na!" Siagw ni Winter mula sa labas ng classroom, agad naman akong pumunta sa labas at sumunod sa kanya.

"Faster guys! Dahil nandito na ang mga Magic Councilors!" Sabi nito. Talagang fan itong si Winter ng mga Magic Councilors. Pagdating namin doon pumunta na kami sa upuan namin tapos hinihintay nalang ang iba pa naming kasamahan. Dumating na si Hannah at umupo sa tabi ni Winter.

"Nandito pala si Headmaster Fernando!" Sabi ni Hannah.

"Oo, akala ko nga hindi siya pupunta" Winter said, "Pangalawa na niyang bisita dito ha."

"Nasaan ba diyan si Headmaster Fernando?" Tanong sabay tingin doon sa upuan ng mga councilors.

"Yung lalakeng nasa left." Sabi ni Hannah tapos tinuro niya yung lalake na nasa left side.

"Okay!"-ako. Ilang oras din kaming naghintay bago nagsimula ang program. Lahat ng kasali sa group competition nandoon at kumpleto na sila, pero kami hindi pa. Nasaan na ba kasi si Zach? Siya nalang kasi ang hinihintay namin.

"Guys si Zach oh!" Sabi ni Hannah sabay turo dito.

"Sa wakas at dumating ka na rin!" Sabi ni Queen na kanina pa inip na inip. Hindi na sumagot si Zach.

Parang may kakaiba kay Zach ngayon.

"Lahat ng mga kasali ay pumunta na sa kanilang pwesto!" Announced ng MC. Lahat kami pumunta na sa mga lugar namin.

"Ito ang dapat ninyong gawin! Kailangan ninyong hanapin ang limang flag at makapunta sa finish line. Dapat kayong lahat ang makapunta sa finis line. " Paliwanag ni Preceptor Miranda. Tumango naman kaming lahat.

"Simulan na natin ang laro!" Sabi ng MC. Doon na nagsimula ang group competition.

"Okay, guys lets do all our best!" Sabi ni Queen, "Kanya - kanya tayo sa paghahanap ng flag, pagnahanap na natin magkita tayo sa middle ng finish line." Paliwanag niya.

Tumango kaming lahat tapos nagsimula nang maghanap, pero bago pa ako makaalis may sinabi si Zach sa akin.

"Humanda ka na, Violet!" Hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin ni Zach.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now