Chapter 24

3.7K 109 7
                                    

-Third Person's POV-

"Violet Alfonzo and Zach Williams!" Lahat tao ay nagbulong- bulongan nang marinig ang pangalan ng Dragon Princess.

"Si Violet?! Nandito si Violet!" Masiglang sambit ni Hannah habang tumitingin sa paligid.

"'Asan na siya? Tingnan nalang natin siyang umakyat sa battle center. Zach, si Violet ang makakalaban mo! What a surprise." Sabi ni Winter habang nakatingin sa stage.

"Violet Alfonzo and Zach Williams!" Tawag sa kanila ng MC.

Sa lahat ng pwedeng makalaban siya pa talaga! Bakit ba kasi ganito? Wika ni Violet sa kanyang isipan.

Pumunta na si Violet sa battle center at doon nakita niya ang kanyang mga kaibigan.

"Violet! Long time no see!" Sigaw ni Hannah habang kumakaway.

"Best friend! We miss you!" Sabi naman ni Queen,

"Anong kaibigan? Kailan ka pa naging best friend ni Violet hah?" Inis na tanong ni Hannah dito. Inawat naman ni Winter silang dalawa at nag-thumbs up kay Violet.

Ngumiti si Violet sa kakulitan ng kanyang kaibigan. Napatingin naman siya kay Zach, walang emosyong makikita sa mukha nito.

"Zach, hindi ka ba aakyat sa battle center? Ikaw nalang ang hinihintay doon." Sabi ni Winter dito. Hindi sumagot si Zach pagkatapos ay nagtungo na sa battle center.

Sa muling nilang paghaharap laban na ang kanilang haharapin. Lahat ng mata ay nakatingin sa kanila.

"Sana matupad mo yung pangako mo!" Wika ni Zach kay Violet, napatingin naman ang dalaga sa kanya. Napakunot ang noo nito nang sabibin yon ni Zach.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Tanong ni Violet, napangisi naman si Zach.

Nagpalabas ng Air Wolf si Zach at doon naman naghiyawan ang mga tao. Si Violet naman ay nagpalabas ng Fire Dragon. Lahat ng tao ay napatingin sa dragon at namangha.

"Ang Dragon Princess! Siya ang Dragon Princess?" Tanong ni Haring Arkon.

"Si Violet." Sagot ni Headmistress Diana.

"Kahit kailan hindi pa rin nawawala ang kagandahan ng dragon." Wika ni Sirene habang nakatingin sa Fire Dragon.

Nagsimula na ang laban, ang mata ng manunuod ay nakatotok lang sa dalawa.

Unang gumawa nang atake si Zach, sinugod niya si Violet ng kanyang Air Bark.

Kaagad naman na kaiwas si Violet at gumanti ng Fire Breath dito. Nasindak ang lahat sa ginawang atake ng dalawa.

"Malakas ka na!" Wika ni Zach habang pipunasan ang gilid ng labi nito na nasugatan.

Napatingin naman si Violet dito at doon ngumisi si Zach. Sinugod niya si Violet ng Wolf Tornado.

Ginamit lang talaga niya yung kagwapuhan niya para makakuha ng tiyempo sa pag-atake... ano ulit ang sinabi ko? Kagwapuhan? Ano ka ba Violet!

Hindi naman nagpatinag si Violet muli siyang umatake gamit ang Dragon's Roar. Kaagad naman naharang ni Zach ang atakeng ginawa ng dalaga.

Gumamit ng malakas na pasabog si Zach na nagdulot ng pagkatilapon ni Violet. Pinilit ng Dragon Princess na makatayo pero hindi niya kinaya, grabe ang kanyang natamong sugat sa pagsabog.

Nilapitan ni Zach si Violet at bumulong dito,

"Hindi ka pa rin nagbabago... tulad ka pa rin ng dati mahina, akala ko malakas ka na pero mali ako."

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now