Chapter 38

2K 46 6
                                    

- Violet's POV-

Ang bilis nang takbo ng oras kanina lang kasama ko silang lahat pero ngayon mag-isa nalang akong naglalakad dito sa may terrace. Nakatingin lang ako sa madilim na garden na tanging liwanag ay ang buwan. Imbis na matulog naisipan ko munang magpahangin dito sa terrace. Inangat ko ang aking tingin sa langit na puno ng bituwin.

The cold breeze rushed towards me. Ginulo nito ang mahaba kong buhok. Pinikit ko ang aking mga mata habang nakayakap sa sarili ko.

Magiging maayos ba talaga ang lahat?

Ito ang tanong ko sa sarili ko. I'm confused and puzzled. Oo, napagdisisyunan ko nang umalis para sa kanila pero may parte sa 'kin na nagsasabing huwag ko silang iwanan.

Minulat ko ang aking mata at kaagad tumambad sa'kin ang isang pigura na naglalakad sa may madilim na harden. Pinasingkit ko ang aking mata upang tignan kung sino ito.

"Anong ginagawa niya?" Kaagad akong kumaripas ng takbo sa hagdanan at pumunta sa may harden. Doon nadatnan ko ang bukas na gate. I walked in and there I saw him.

Kahit madilim sapat na ang liwanag mula sa ilaw ng gusali mula sa malayo. I stopped on my track. Pinagmasdan ko muna ang taong nakaupo sa damuhan habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang tuhod. Why all of the sudden I feel nervous?

Bigla nalang sumagip sa utak ko ang sinabi niya noon. My heart beated rapidly that time. Sa unang pagkakataon, doon ko lang narinig ang mga salitang iyon sa kanya. Ilang minuto ko rin akong nakatayo sa pwesto ko bago ko tawagin ang pangalan niya.

"Zach?"

Sa pagharap niya para akong nalulumong tignan siya. His eyes are bloodshot and his face was covered with bruise. Napunta ang tingin ko sa kanyang kamay na dumurugo. Kaagad akong lumapit at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang panyo ko mula sa aking bulsa.

"Anong ginagawa mo dito?" Para tumagos ang malamig niyang boses sa kaluluwa ko. I looked at him. I could see the pain and anger in his eyes. His emotions are mixed.

"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan." I said, "bat ka nandito sa labas? Dapat nagpapahinga ka na ngayon." Hindi siya sumagot sa tanong ko at iniwas ang tingin sa'kin.

"I'm an idiot!" he said through clinched teeth. "Hinayaan kong mawala ang kapatid ko! Namatay ang kapatid ko at wala man lang akong nagawa para iligtas siya..."

Wala akong magawa kundi yumuko at ituon ang tingin ko sa kamay niyang may sugat. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa pagkawala ni Jenny. Ako ang dahilan ng pagluha ni Zach. Nadamay siya ng dahil sa'kin, ilang tao na ba ang namatay ng dahil sa'kin? I can't bare this anymore.

Nakayuko pa rin ako habang nakatingin sa mga sugat ni Zach nang makita ko ang pagtulo ng mainit na likodo mula sa kamay ko kasabay nito ang paghikbi.

I bite my lower lip trying prevent my tears from falling down. Kinuha ko ang kamay ni Zach upang talian ang sugat nito. Halos hindi ko na makita ang kamay ni Zach dahil sa namumuong luha sa'king mga mata. My hands are trembling while holding his hand. Unti-unti kong tinali ang panyo sa sugat niya.

Pinagmasdan ko ang sugat sa kanya, kung tutuosin wala lang ang mga sugat na 'yan kay Zach. Ilang beses ko na siyang nakitang masugatan pero lahat ng iyon wala lang sa kanya. But now it's different I'm seeing the other side of him.

"T-tara na Zach pumunta na tayo sa loob..." I said. Tumayo ako habang nakayuko pa rin ako.

"Masyodo nang malam-"

"Iwan mo na 'ko! Umalis ka na katulad ng iba total wala na akong saysay sa mundong ito!" I startled when he shouted at me. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now