Chapter 19

4.3K 139 5
                                    


-Violet's POV-

"At ito naman ang Magic Council's Office. Nandito lahat ng mga kasaysayan, nandito rin ang information paper ng mga batang ipinapanganak at mga taong nanamatay." Paliwanag sa'kin ni Caleb.

Ilang oras na rin kaming naglilibot dito, marami na rin akong nalaman tungkol sa Creatures University. Dito pala nagaganap ang malalaking event at nandito na rin ang mga Magic council.

"Maraming salamat sa pag-tour mo sa'kin dito." Sabi ko.

"Walang ano man. Sa tingin ko dito na nagtatapos ang ating paglilibot." Sabi niya.

"Hanggang sa muli!" Sabi ni Caleb tapos umalis na. Ang sayang  kasama nitong si Caleb. Well, pagkaalis ni Caleb pumunta na ako sa dorm ko.

***

Pagdating ko sa dorm ko, inayos ko na ang mga gamit ko tapos nagpahinga. Bukas papasok na ako. Habang nakahiga ako hindi ko maiwasan isipin yung sinabi sa'kin ni Tita Vet,

"Jane."

Hindi ko alam kung ano ba talaga. Ang gulo ng isip ko. Paano ko ba malalaman ang tunay kung pagkatao?! Wala nga akong clue kung sino ang tunay kong magulang o kung saan ako pinanganak. Sa kakaisip ko hindi ko na malayang unti- unti na akong nakatulog.

Isang madilim na lugar, nasa madilim na lugar ako. Wala akong makita kundi isang liwanag na  nagmumula sa malayo.

"Malapit na Violet." Wika ng isang babae. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang tinig na 'yon, nasagot nalang ang mga katanungan ko nang may nakita akong isang hugis ng babae mula sa liwanag at sa tabi nito may Dragon.

"Malapit na Violet!" Wika ulit ng babae.

"Sino ka?" Tanong ko.

Sinubukan kung lumapit sa lugar kung saan nagmumula ang liwanag pero unti-unti naman akong hinihigop papalayo hanggang sa...

*ring ring*

Isang panaginip, bakit ko ba yon napanaginipan? Sino ba yung babaeng yon? Hindi ko nalang pinansin ang panaginip ko at bumungon na. Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na ako sa bago kong classroom.

Pagdating ko doon lahat ng estudyante nakatingin sa'kin at yung iba nagbubulungan pa. Hindi ko nalang sila pinansin at umupo na.

"Hello Violet!" Bati sa'kin ni Caleb. Classmate ko rin pala siya.

"Hi!" I greeted back.

"Tingnan mo nga naman oh classmates pala tayo!" Sabi niya sabay tawa. Napaka-energetic nitong si Caleb at smiley

"Mag-usap nalang tayo mamaya!" Sabi niya at umupo na sa upuan niya, sakto dumating naman ang professor namin.

"Good morning class!" Greeted ng professor namin, "Bago tayo mag simula may bago pala tayong student. Please come in front, Miss Violet Alfonzo."

Pagkatwag sa'kin pumunta na ako sa harapan para ipakilala ang sarili ko.

"Hello ang pangalan ko ay Violet at sana maging kaibigan tayong lahat." Sabi ko tapos umupo na. Nakita ko naman nag-thumbs up si Caleb sa'kin, nag-smile nalang ako sa kanya.

"Ngayong araw ang tatalakayin natin ay  tungkol sa Green Dragon at Dark Dragon." -professor.

"Napaka-importante ng topic na ito at dapat ninyo itong malaman. Espicially sa'yo, Violet." Sabi ni professor tapos tumingin sa'kin. Ano naman ang kinalaman ko sa topic namin ngayon?

Lahat ng classmates ko nakatingin sa'kin. Ito talaga ayaw ko yung pinagtitinginan.

"May nakakaalam ba sa inyo kung ano ang Green Dragon?" Tanong ni professor. Ano ba yung Green Dragon?

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now