Chapter 27

3K 70 4
                                    

Happy Valentine's day💝
Guys, sorry dahil ang tagal kong makapag-update. Sobrang dami nang gawin sa school at sa bahay, nakalimutan ko nang mag-update. Sorry talaga😭 On the other hand, hope you like this chapter.

Happy Reading😊


-Violet's POV-

Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa sa akin. Parang wala nang katapusan lahat ng problema ko.

Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ang patay na katawan ni Jervana.

"Violet!" Napalingon naman ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko - si Headmistress Diana. Kaagad niya akong nilapitan at niyakap.

Wala akong nagawa kundi mapaiyak nalang habang yakap -yakap ni Headmistress Diana.

"Shhh...Okay na ang lahat, Violet. Wag ka nang umiyak." Sabi niya. Tinulongan ako ni Headmistress na tumayo at doon naman nagsidatingan ang ibang Magic Councilors.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko, sabay -sabay nila akong niyakap.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Hannah.

"Halos hindi kami mapakali nang sumugod dito ang mga dark charm creatures." Sabi naman ni Caleb.

"Violet!" Niyakap naman ako ni Winter. Nginitian ko silang lahat. Nagpapasalamat ako dahil nandito ang mga kaibigan ko. Kahit papaano nawawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko.

"Kailangan na nating umalis ngayon! Napapalibutan na ng dark charm creatures ang buong paligid!" Sabi ni Headmaster Fernando. Sumang-ayon naman ang lahat.

Pumunta na kami sa lugar kung saan nandoon yung mga karwahe na gagamitin namin. Kasama ko si Headmistress at ang Magic Councilors sa isang karwahe.

Aalis na sana kami nang bigla kong maalala si Zach, anong nangyari sa kanya?

"Saglit lang po! Si Zach? Ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko kay Headmistress Diana.

"Maayos lang siya patuloy pa rin ang panggagamot sa kanya." Sagot ni Headmistress. Sa sinabi niya hindi ko maiwasang mag-alala kay Zach.

Nang makarating kami sa Charm East University, pinagpahinga muna ako ni Headmistress Diana.
Pero ilang oras na akong nakahiga Hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Jervana sa 'kin.

"Ikaw at ang tunay mong ina ay pinag-isa ng kapalaran."

Anong ibig sabihin niya doon? At paano niya nakilala ang tunay kong ina? Nagugulohan na talaga ako.

At may isa pa akong bagay na hindi pa rin maintindiham - ang Green Dragon.

Bakit sa akin hinahanap ng Dark Queen ang Green Dragon? Yun ang dapat kong malaman. Kaagad akong bumangon at pumunta sa office.

Pagdating ko sa Headmistress Office, kumatok muna ako ng ilang beses bago buksan ang pinto. Pagpasok ko sa loob doon ko nakita ang mga Magic Councilors, Prinsesa Sirene, Haring Arkon at si Zach.

"Mabuti at pumunta ka dito, Violet." Wika ni Headmaster Fernando. Napakunot naman ang noo ko, anong meron?

Pinaupo ako ni Headmaster Fernando sa isang vacant chair at doon nagpatuloy ang pag-uusap namin.

"Tungkol ito sa Dark Queen...wala na kaming maisip na paraan para matalo siya." -Headmaster Fernando,

"Ikaw nalang ang pag-asa namin,Violet." Napayuko naman ako nang sabihin yon ni Headmaster.

The Dragon Princess (Under Revision)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt